^

Punto Mo

EDITORYAL - Parusahan, mga pumatay sa ka-brod

Pang-masa
EDITORYAL - Parusahan, mga pumatay sa ka-brod

PAULIT-ULIT ang hazing sa fraternity at marami na ang namatay. Ito ay sa kabila na may Anti-Hazing Law (Republic Act 8049). Walang natatakot sa batas at bagkus lalo lamang tumapang para lalo pang isagawa ang mga di-makataong hazing. Wala pang napaparusahan nang pagkakulong nang habambuhay kaya patuloy ang pagpapahirap sa ka-brod.

Ang pinaka-latest na casualty ng hazing ay si Horacio “Atio” Castillo III, law student sa University of Santo Tomas at neophyte member ng Aegis Juris Fraternity. Namatay si Atio dahil sa matinding pahirap ng kanyang mga itinuturing na “kapatid”. Unang na-report na natagpuan si Atio sa isang bangketa sa Balut, Tondo na nakabalot ng kumot. Ang nakatagpo umano ay si John Paul Solano. Pero lumabas sa imbestigasyon na “gawa-gawa” lamang iyon. Inutusan umano si Solano ng ka-frat na magsinungaling.

Ang matinding natuklasan ng Manila Police District (MPD) ay ang usapan sa Facebook ng mga miyembro ng fraternity. Pinag-uusapan kung paano iko-cover up o malulusutan ang krimen na ginawa kay Atio. Pawang mga abogado na ang ilan sa nag-uusap sa FB.

Kabilang sa pinag-usapan ay ang planong paglilinis sa frat library bago pa umano makakuha ng search warrant ang mga magulang ng biktima. Kailangang alisin na roon ang mga paddle na ginamit.

Nakasaad din sa FB chat na kailangang magsinungaling at huwag magbibigay ng anumang hint ukol sa nangyari. Inatasan din ang isang miyembro ng fraternity na sangkot sa krimen na magtago na muna o umuwi sa probinsiya.

Ang nakuhang chat ay malinaw na iko-cover-up ang kaso. Walang aaminin. Huwag magsasalita. Pero mabigat ang usapan at sabi ng MPD, sapat na ang usapan para madiin ang mga miyembro ng fraternity. Ayon sa isang senador, ipatatawag din umano ang mga pangalan na kasali sa FB chat.

Marami ang nanghihinayang sa pagkamatay ni Atio na inaasahang magiging lider sa hinaharap sapagkat nanalaytay sa kanya ang dugo ni Jose Rizal at Gen. Miguel Malvar. Pero nasayang lang dahil sa pagpapahirap ng mga ka-brod. Hustisya ang sigaw nang marami.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with