Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagbaba ng rating ni Digong

Nabasa ko ang latest na survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan ay bumaba ang trust rating ni President Duterte. Mula 75 percent na rating ay bumagsak sa 60 percent ang kanyang trust rating. Malaki ang ibinaba nito at palagay ko po ay dahil sa mga nangyayaring kampanya laban sa droga kung saan araw-araw ay may napapatay. May epekto ito kay Digong sapagkat matindi ang kanyang pangako na magiging drug-free ang Pilipinas sa kanyang termino.

Ang masaklap nga lamang ay may mga napapatay na suspect na hindi naman sangkot sa illegal na droga. Ang ilan ay napagkakamalan lang kaya bumubuwelta kay Digong ang epekto. Siyempre siya ang Presidente at isa nga sa kampanya niya ay ang paglupig sa mga nagpapakalat ng droga.

Lagi nang lumulutang ang extra-judicial killing (EJKs) at ang mga ito ay pawang ibinabato kay Digong. Ilang beses na rin na may nagtungo rito sa bansa na nag-iimbestiga ukol sa pag­labag sa karapatang pantao. Masama ang lumalabas sa mga pahayagan sa ibang bansa na nagiging karaniwan na lamang ang pagpatay sa mga drug suspects.

Pero sa lahat nang ito ay hindi natitinag si Digong at hinamon pa niya ang mga nagsasabing may paglabag sa karapatang pantao sa bansa. Ilang beses na siyang nagmura sa mga bumabatikos sa kanya ukol sa pamamaraan ng drug campaign.

Ang masasabi ko lamang, dapat maging maingat ang PNP sa pagsasagawa ng pagsalakay o pag-Tokhang sa mga drug suspect. Dapat laging nasa tumpak ang kanilang ginagawa. Kung minsan, sinasabi ng mga pulis na nanlaban ang suspek kaya nila binaril. Pero may mga witness naman na nagsasabing sumusuko na ang suspek pero binabaril pa rin. Isa sa halimbawa ay ang mga napatay na kabataan sa Caloocan City. Nakita sa video na akbay ng dalawang pulis si Kian delos Santos pero makaraan iyon ay napatay na ito. Sabi ng mga witness, nakaluhod ang teenager nang barilin.

Kapag hindi nag-ingat ang PNP ukol sa drug campaign, tiyak na kay Digong ang latay. Siya ang laging uulanin ng batikos at tiyak na babagsak ang rating gaya ng SWS survey.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ganunman, ipagpatuloy pa rin ni Digong ang nasimulan sa kabila na bagsak ang trust rating. Ituloy ang drug campaign pero maging maingat.

--- ROGER MATINING, Dapitan St., Sampaloc, Manila

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: