^

Punto Mo

Ang batas para sa lahat!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Umani ng matinding batikos si Ilocos Norte Congressman Rodolfo Fariñas makaraang hilingin nito na mabigyan ng special treatment ang mga kongresista na nasasangkot sa traffic violations.

Idinahilan pa nito, na dapat magamit ang kanilang parliamentary immunity sa traffic violations   upang hindi maabala at maapektuhan ang kanilang legislative work.

Parang unfair naman ito, kaya nga umusok ang galit at komento ng marami nating mga kababayan, maging sa social media, naku po, matindi ang mga naging batikos ng ating mga kababayan.

Sa pahayag kasi ni Cong. Fariñas, Hindi raw dapat na hinuhuli ng MMDA at iba pang traffic enforcer  ang mga mambabatas nang dahil lamang sa maliit o minor na traffic violation sa lansangan. Aba, eh bakit nga?

Para namang sila ang hinuhuli, imposible namang wala silang mga pribadong driver.

Grabe naman yata si Cong., sila na mismo ay gumagawa ng batas at kapag sila ang lumabag sa batas, dapat may immunity.

Maliit man o malaki ang paglabag, dapat pantay-pantay ang lahat sa pagpapatupad sa batas.

Hindi lang ang netizens ang nag-init sa galit, kundi maging ang Malacañang at ilan din mismong mga mambabatas ay tila sinopla ang pahayag ni Cong. Fariñas.

Lalu na nga’t patakaran ni Pres. Digong na huwag bigyan ng special trteatment ang mga opisyal ng gobyerno lalu na nga ang lumalabag sa batas.

Kung tutuusin dapat pa nga sila ang maging magandang ehemplo sa pagsunod sa batas dahil sila’y mambabatas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with