^

Punto Mo

Lalaki mula Britain, inikot ang mundo sakay ng bisikleta sa loob ng 79 na araw

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG British cyclist ang nagawang makapagtala ng bagong world record matapos niyang ikutin ang mundo sa loob lamang ng 79 araw sakay ng kanyang bisikleta.

Mas maikli ang naging paglalakbay ng 34 anyos na si Mark Beaumont ng 44 araw sa dating world record na 123 days.

Narating niya ang Arc de Triomphe sa Paris ng mas maaga pa ng isang araw sa nakatakdang schedule matapos siyang magbisikleta ng 240 milya kada araw at ng kabuuang 18,000 milya.

Limang oras lang kada araw ang naging tulog ni Beaumont sa kanyang buong paglalakbay at umaabot ng 16 oras ang kanyang ginawang pagbibisikleta araw-araw.

Sinimulan niya noong Hulyo 2 ang kanyang paglalakbay sa Paris. Mula roon ay binisikleta niya ang Europe, Russia, Mongolia, at China, bago niya tinawid ang karagatan papuntang Australia at New Zealand.

Mula roon ay North America naman ang kanyang nilakbay bago siya bumalik ng Europe.

Naniniwala siyang ang kanyang ginawang paglalakbay ang pinakamatinding pagsubok na kanyang nalampasan. “This has been, without doubt, the most punishing challenge I have ever put my body and mind through,” ayon pa kay Beaumont.

Naging inspirasyon naman daw niya ang librong Around the World in 80 Days ni Jules Verne kaya nagawa niyang ikutin ang buong mundo ng mas maikli pa sa 80 araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with