^

Punto Mo

EDITORYAL - Kalsada pa more para walang trapik

Pang-masa
EDITORYAL - Kalsada pa more para walang trapik

GRABE na ang trapik na nararanasan ngayon sa Metro Manila particular na sa EDSA. Alas singko pa lamang ng madaling araw, gumagapang na ang mga sasakyan. Pagsapit ng alas-sais, wala nang galawan. Nagmistulang malaking parking lot ang EDSA.

Marami nang sinubukang paraan para mapaluwag ang trapik sa Metro Manila pero wala ring epekto. Sinubukang alisin ang mga provincial bus terminals sa Cubao area, isinara ang mga illegal terminal, binaklas ang lahat nang illegal sa sidewalk, inalis ang mga nakahambalang na sasakyan at iba pang obstructions. Pero lalo pang sumikip ang mga pangunahing kalsada lalo na ang EDSA. Araw-araw ang kalbaryong trapik.

Ang isang inaasahang Metro Rail Transit 3 (MRT 3) sa EDSA ay pawang kabiguan din ang dulot sa libu-libong commuters. Halos araw-araw na ang aberya. Kahapon ay nagkaaberya na naman. Pinababa ang mga pasahero at naghintay ng bagong train. Pumipila nang pagkahaba-haba ang mga pasahero para makasakay ng train pero kapag nakasakay na ay saka naman magkakaaberya. Matagal nang nagdurusa ang mga pasahero ng MRT at hindi nila alam kung kailan matatapos ang kalbaryo.

Ang isang paraan na magagawa ng Duterte admi­nistration ay ang agarang pagsasagawa ng mga kalsada sa Metro Manila. Ito ang nararapat na simulan agad para malutas ang problema sa trapiko. Kung hindi pa sisimulan ang pag-construct ng mga kalsada, lalo pang lulubha ang trapiko sa Metro Manila.

Isa sa dapat simulan ay ang planong subway na popondohan umano ng Japan. Planong magkaroon ng subway mula Mindanao Avenue sa Quezon patungong NAIA sa Parañaque City. Ayon sa report kung matutupad ang planong subway, ang dating tatlong oras na biyahe mula QC hanggang Parañaque ay magiging 30 minutes na lamang.

Maganda ang planong ito. Ito na ang maaaring makapagpaluwag sa trapiko sa Metro Manila. Simulan na agad ang proyektong ito para naman mabawasan na ang nakakaburyong na trapik.

Bukod sa subway, simulan na rin ang skyway at mga tulay na malaki ang maitutulong para mapaluwag ang trapik. Maraming kalsada ang kailangan ngayon. Ito ang tanging solusyon sa perwisyong trapik.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with