^

Punto Mo

Isla Paraiso (20)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAPAG binabalikan ni Alexis ang mga nangyari sa sinakyang barko kung saan nakasalubong ito nang malakas na bagyo at lumubog ay hindi siya makapaniwalang makakaligtas. Siya lang kaya ang nakaligtas o mayroon pang iba? Kung mayroong nakaligtas pang iba, sana ay may napadpad ding survivors dito sa Isla. Pero wala siyang nabalitaan. Siguro ay masyadong malayo ang Isla Paraiso kaya siya lamang ang sinuwerteng mapadpad.

Ayaw na niyang mabuhay. Sawa na siya sa buhay. Gusto na niyang mamatay dahil bagot na bagot na siya sa buhay. Lahat ay nakamit na niya. Natamasa na niya ang lahat kaya wala nang silbi ang lahat.

Pero narito pala sa islang ito ang mga taong magpapabago sa kanyang buhay. Namulat siya na masarap palang mabuhay. Hindi pala niya dapat pagsawaan ang buhay. Dapat ay namnamin ang sarap ng buhay.

Masarap din pala sa dibdib kapag nakakatulong sa kapwa. Pagtatapusin niya ng pag-aaral si Marikit. At kung mayroon pang mga susunod kay Marikit, tutulungan din niya. Aanhin naman niya ang kayamanan. Hindi naman niya ito madadala sa kabilang buhay. Lahat nang pagtulong sa kapwa ay gagawin niya. Hindi siya magkakait ng tulong kanino man.

NANG mga sandaling iyon ay na-meet na ni Marikit ang taong sinasabi ni Alexis. Natagpuan niya ang mala­king building sa Morayta at doon hinanap ang lalaki. Itinuro sa kanya ng guwardiya kung saang floor makikita ang lalaki.

Nakaharap niya ang lalaki. Tipong abogado ito. Ibinigay niya ang sulat na galing kay Alexis.

Pinaupo siya ng lalaki habang binabasa ang sulat.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with