^

Punto Mo

Mga kubeta sa Geneva, nagbabara dahil sa limpak-limpak na salapi

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INIIMBESTIGAHAN na ng mga kinauukulan sa Geneva, Switzerland ang misteryosong pagbabara ng mga kubeta doon na sanhi ng limpak-limpak na salapi.

Nagbara ang kubeta ng isang banko at tatlong restaurant sa nasabing lugar matapos bumara ang tinatayang $100,000 halaga ng tig-500 euro bills.

Unang napabalita ang pagbabara ng toilet na malapit sa vault ng isang banko. Pagkatapos noon ay sunod-sunod na ring nagbara ang kubeta sa mga restaurant na malapit sa nasabing banko.

Nakakapagtaka rin na euro ang nagbara sa mga kubeta dahil hindi naman ito ang salapi sa Switzerland, na bagama’t napapaligiran ng mga bansang kasapi ng European Union, ay nananatiling Swiss francs ang gamit.

Kinumpiska naman kaagad ng mga awtoridad ang mga bumarang pera ngunit sa ngayon ay wala pa silang iniim­bestigahan kaugnay dito dahil wala namang batas sa Switzerland na nagpaparusa sa pagtatapon o paninira ng pera.

Noong isang taon, napabalitang aalisin na sa sirkulasyon ang mga tig-500 na euros dahil madalas itong ginagamit ng mga kawatan para sa mga iligal na transaksyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with