^

Punto Mo

Martial law ipinairal ni Empiso vs media!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAGBABANTA pa lang si Pres. Digong na ideklara ang martial law sa buong bansa kapag nagkagulo Ang protest rally ng mga opposition sa paggunita ng martial law ni Macoy sa Luneta grandstand bukas. Habang nag-aantay ang sambayanan ng resulta ng protest rally bukas mukhang ini-implement na ni Chief Supt. Clifton Empiso, hepe ng Northern Police District (NPD), ang martial law sa kanyang nasasakupan. Ang tinutukoy ko mga kosa ay Ang kautusan ni Empiso na ‘wag bigyan ng summaries ng daily crime incidents at spot reports ang reporters na kumukuber sa Camanava area. Nagulat lang ang mga kakosa ko sa Camanava sa bagong direktiba ni Empiso dahil nasanay na sila na pinadadalhan sila ng summaries at spot reports nga noon panahon pa ni Mahoma at biglang naging bawal na ito. Maliban sa itinatago ang spot reports sa media, ang kautusan pa ni Empiso kung makita man ito ng mga reporters hindi nila ito puwedeng kopyahin o kunan ng camera o cell phone. Kailangan i-memorize lang ng reporters ang date, time, at place of occurrence o sa police parlance ay DTPO. Hak hak hak! Parang balik eskuwela lang ang taga-media sa Camanava kung puro memorize ang trabaho nila, no mga kosa? Pabor ito sa mga batang reporters pero paano na lang ang mga gurang na tulad ni Charlie Calalo, ang president ng Camanava press corps? Hehehe! Peace kosang Charlie!

Hindi lang ‘yan! Ayaw din ni Empiso na istorbohin siya ng media kaya ang mga request for interview ay la pansin sa kanya. Ang problema, nakasentro sa ngayon ang mga malalaking istorya sa Caloocan City na sakop ni Empiso kaya palaging kailangan ang side niya sa mga ilalabas na balita, di ba mga kosa? Ang mangyayari nito kapag hindi masilayan ng mga taga-media ang summaries at spot reports baka mali-mali ang ilalabas nilang balita atat sa bandang huli tiyak sila ang sisisihin. May punto rito ang mga kosa ko sa Camanava ah! May isang beteranong journalist naman ang nag-request ng interview kay Empiso at naganap lang pagkatapos magpasa ito ng tatlong request. Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Dapat siguro damihan n’yo ang request ng media interview para pagbigyan kayo ni Empiso. Get’s n’yo mga kosa ko d’yan sa Camanava?

Kung sabagay naging kontrobersyal itong spot reports dahil sa kautusan ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na ‘wag na itong maging available sa media. Kinondena ito ng mga samahan ng media, lalo na ang Manila Police District press corps sa pamumuno ni kosang Mer Layson ng Pilipino Star NGAYON. Nag-backtrack naman ang liderato ng PNP at kung anu-anong dahilan ang itinuro nila at sa ngayon naging maayos naman ang relasyon ng mga pulis at media people. Subalit mukhang eager beaver lang si Empiso at isinulong ang martial law sa taga-media sa NPD. Hindi ko naman masabi na martial law baby si Empiso dahil miyembro siya ng PMA Class ’87. Ang mga tinatawag na martial law baby ay ang klase ni Sen. Gringo Honasan, ng PMA Class ’71. Nakalimutan ‘ata ni Empiso na bukas pa malalaman kung idideklara ni Digong ang martial law kapag nangggulo ang mga raliyista sa Luneta at demokrasya tayo sa ngayon at dapat ang lahat ng reports ay iladlad sa media, maliban sa intelligence matters, di ba mga kosa? Kaya ang panawagan sa ngayon ng taga-media sa Camanava kay Bato ay ibalik na lang sa puwesto si Chief Supt. Roberto “Padye” Fajardo dahil kahit istrikto ay nakahalubilo naman nila, lalo na kapag may malaking istorya. Hak hak hak! Sana magkatotoo ito, di ba mga kosa?

Kung sabagay, hindi lang si Empiso ang inireklamo ng taga-media sa NPD area kundi maging si Sr. Supt. Jemar Modequilo, hepe ng Caloocan City, na mahilig sa TV at ayaw ng print at radio. Kahit anong tawag at text ng taga-print at radio reporters kay Modequilllo, aba ayaw sagutin subalit kapag taga-TV, lalo na kung bebot ang reporter, aba tuluy-tuloy ang mga ito sa opisina ni hepe.

Kung si NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde ay very accommodating sa media, mukhang taliwas naman itong sina Empiso at Modequillo, no mga kosa? Hak hak hak! Di ba may kasabihan tayo sa hanay ng pulis at militar na follow the leader? Mukhang wala sa bokabularyo nila Empiso at Modequillo ito. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with