^

Punto Mo

Mga abusado dapat managot!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagsalita na si Pangulong Digong kaugnay sa kasong pagkapatay sa 17-anyos na si Kian Lloyd Delos Santos.

Titiyakin umano niyang mapapatawan ng parusa ang mga pulis na dawit kung mapapatunayang nagkasala.

Napanood na rin ni Digong ang kuha ng CCTV kaya agad daw niyang tinawagan si Gen. Bato at inutos niya ang pagkulong sa mga ito.

Nagbanta pa ito na ‘impiyerno’ ang ibibigay niya sa mga abusadong awtoridad. Papapanagutin umano ang umaabuso.

Bukod dito, may tugon na rin ang Pangulo sa kontrobersiya  na nagaganap sa Bureau of Customs.

Bilang aksyon tinanggap na niya ang ginawang pagbibitiw ni Commissioner Nicanor Faeldon na pinalitan na ni PDEA director Isidro Lapeña. Kaugnay naman ito sa P6.4 bilyon halaga ng shabu na naipuslit sa Customs.

Dahil nga sa mga kontrobersiyal na ito, hindi maiiwasan na sakyan o gamitin ito ng ilan na kalaban ng administrasyon para lumikha ng ingay.

Nagsimula na nga ito dahil may mga ikinakasang pagkilos.

Bigla-bigla ring may sumulpot na grupo na umano’y nagre-represent sa militar at mga pulis kung saan tinawag nila ang kanilang grupo na Patriotic and Democratic Movement (PADEM) na nananawagan na sa pagpapatalsik kay Pangulong Digong.

Dito pa lang, hindi maitatagong may manamantala o gumagamit sa mga pangyayari na ito naman ang dapat na mabantayan.

Bagamat talagang marami sa atin ang nagalit sa naganap na pagkapatay kay Kian, marahil hindi naman marapat na magamit ang insidenteng ito sa mga politikal na interes o layunin ng ilan. Hindi sa mga personal na agenda, kundi sana ay para sa ikabubuti ng marami.

Kaya nga ang ating sigaw at marahil ay sigaw ng nakakarami dapat na mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Kian, dapat na may managot kung mapatunayang may paglabag at umabuso na ang ating tututukan sa mga susunod pang araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with