^

Punto Mo

Life Pro Tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 4)

  1. Kapag sinuwerte ka at may dumating sa iyong maraming pera, huwag mo itong ipagsasabi kung wala kang balak i-share ang pera mo. Malamang na sumakit lang ang ulo mo sa rami ng mga taong manghihingi sa iyo o mangungutang dahil “rich” ka na. Ito rin ang panahon kung kailan lilitaw ang mga kamag-anak na mapagsamantala. Kaya kung ang purpose mo lang ay magyabang sa social media, please don’t.
  2. Kung nagbabawas ka ng timbang, maliit na plato ang gamitin sa pagkain.
  3. Kapag pinuna ka ng isang tao o grupo, gaano man ito kasakit sa iyong kalaooban, tanggapin mo nang matahimik ang sinabi nila. Just bite the bullet. Huwag agad mag-react. Huwag agad mangatwiran. Kapag hindi tayo sumasang-ayon sa sinasabi nating kausap, ang tendency ng ating utak na naka-assign sa logic ay sumara at nagiging bulag tayo sa katwiran. Kung tatahimik tayo, binibigyan natin ng tsansa  magproseso ang ating utak na maging bukas sa katwiran.
  4. Kapag nagpapakain ng ubas sa mga bata, ang ipakain ay seedless. Bawat piraso ng ubas ay hatiin sa dalawa upang hindi sila mabulunan.
  5. Kung bago ka lang sa trabaho at napansin mong isang kasamahan ang supladita sa iyo, sa kanya ka lagi magtanong. It flatters them at iyon ang simula na maging okey kayo. Pero kung sa simula pa lang ay binabara ka, layuan mo na siya at huwag nang sumubok na mapalapit sa kanya. One hundred percent na masama ang ugali niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with