^

Punto Mo

Parekoy (117)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG inaakala ni PO3 Jun na nasa tamang distansiya na para magpaulan ng bala sa mga kalaban, ginawa niya iyon. Ubos lakas niyang kinalabit ang automatic rifle at sunud-sunod na bumuga ang tingga. Nabulaga ang mga kalaban sa hindi inaasahang pagdagsa ng bala. Marami sa mga nasa unang hanay ang bumulagta. Parang eksena sa sine ang nangyari. Ang kaibhan, tunay na dugo ang tumilamsik sa bawat katawan na tamaan ng bala mula sa automatic rifle ni PO3.

Ang mga natirang kalaban ay hindi malaman kung saan susuling sapagkat sa bawat pagtatangka ng mga ito na magkober ay laging nasusundan ng bala ni PO3. Walang nasayang na bala kay PO3.

Nang inaakala ni PO3 na mayroon pang mga sumusugod sa likuran, dinampot niya ang isang granada at inihagis sa papalapit na kalaban. Pagputok nakita niya ang pagtilapon ng mga katawan. Kung saan-saang direksiyon humahagis ang katawan ng mga ito.

Hanggang sa mapansin ni PO3 na wala nang kumikilos. Gayunman, nagmatyag pa siya at nakiramdam. Namayani ang katahimikan. Pawang usok ang nakikita niya. Hindi siya umaalis sa kinadadapaan. Maaaring naghihintay lamang ng anumang kilos ang mga kalaban at saka muling sasalakay.

Pero lumipas na ang may sampung minuto ay wala pang kumikilos. Tahimik na tahimik pa rin.

Isang paraan ang naisip ni PO3. Naghagis siya ng isang kagamitan mula sa laboratoryo. Lumikha ng ingay ang nabasag na gamit. Pero sa kabila niyon, walang reaksiyon mula sa mga kalaban. Tahimik na tahimik pa rin.

Lumipas pa ang limang minuto at walang pagkilos sa mga kalaban.

Iisa lamang ang ibig sabihin niyon: Ubos na ang mga kalaban! Wala na ang mga salot. Nagbayad din sila sa ginawang kasamaan.

Tumindig si PO3, hawak ang automatic rifle.

Nakadama siya ng pagmalalaki. Wala nang magpapakalat ng shabu sa Metro Manila. Naputol na niya ang ugat! Tapos na ang kanilang pamamayagpag!

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with