^

Punto Mo

Parekoy (113)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA isang iglap, nakapasok si PO3 Jun sa loob ng cubicle kung saan nag-uusap sina Cielo at ang sinasabing police general na nagmamay-ari ng laboratoryo.

Hindi nakapagsalita ang general dahil mabilis na sumulpot sa kanilang likuran si PO3. Tinutukan sa ulo si Cielo at walang takot na nagsalita.

“Dumapa ka General! Dapa!’’

Pero bumunot ng baril si General. Iniumang kay PO3.

“Ang lakas ng loob mong pinasok ang teritoryo ko, salingpusa ka!’’

“Ibaba mo ang iyong baril, General o pasasabugin ko ang ulo nitong partner in crime mo.’’

Nagtawa si General. “Pasa­bugin mo! Wala akong pakialam sa babaing ‘yan! Ha-ha-ha!’’

Agad kumilos si PO3 ubos lakas na itinulak si Cielo patungo sa direksiyon ni General.

‘‘Ummm!’’

Sa lakas ng pagkatulak sumadsad sa katawan ni General si Cielo at sa pagkabigla, nakalabit ang baril. Sapol sa dibdib si Cielo. Duguang bumagsak.

Sinamantala ni PO3 ang pagkakataon at dinamba si General.

Nagpambuno sila. Hawak pa ni General ang baril at pilit tinututok kay PO3. Nag-agawan sila. Nagpagulung-gulong sa suwelo. Nabangga nila ang mesa na maraming babasaging bagay sa pag-eeksperimento. Nagbagsakan at nabasag.

Patuloy ang kanilang pagbubuno. Malakas pa rin si General kahit may edad na. Halatang batak na batak ang katawan.

Hanggang sa mailapit ni General ang baril sa mukha ni PO3. Kaunting lapit pa at malapit na sa ulo.

‘‘Papatayin kita pakialamero ka!’’

‘‘Ikaw ang mamamatay dahil marami ka nang atraso sa taumbayan. Ikaw ang nagpapakalat ng juice na may halong shabu. Dapat mo nang pagbayaran ang mga kasalanan mo.’’

‘‘Ikaw ang mamamatay pakialamero ka! Um!’’

Isang putok ang narinig.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with