Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bulaklak ng puso

Mabango kang rosas na umusbong sa ubod ng puso

Na biglang nagpabilis sa daloy ng aking dugo

Dahil sa’yo’y nagkabuhay ang damdaming dati’y bigo

At natutong mangundiman sa daigdig ng pamaso

Dahil sa’yo’y nagkapakpak ang panulat ay nabuo

At ngayon ay dumaraing sa pitak ng iyong puso

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 

Mutya sapul nang isilang ka’t masilayan

Nagbago ang daigdig kong dati rati’y walang muwang

Ang langit kong noo’y laging may lambong ng kadiliman

Nagliwanag at wari bang ang langit ko ay nabuksan

Kapag ikaw ay naglaho sa puso ko’t gunam-gunam

Ang buhay ko sa daigdig wala na ring kabuluhan

 

Wisikan mo ng kalinga o bulaklak na maganda

Ang puso kong luray-luray nang mamulat yaring mata

Sa patak ng aking luha talulot mo ay ibuka

Upang ako’y makasilong kahit saglit O diwata

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: