^

Punto Mo

Sino ang totoo, tagapagbalita o tagapagsalita?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MALAYO ang nagiging agwat ng mga balita sa tunay na nagaganap kung hango lamang sa mga pahayag ng mga tagapagsalita ng anumang ahensiya at kagawaran ang pagbabatayan. Maselan ang papel ng mga tagapagsalita (spokesperson) at tagapagbalita (media reporters). Maraming elemento ang pakikipag-ugnayan at kalakip nito ang pagtatakip na maaring magtago sa katotohanan mapabango lamang ang pinaglilingkurang ahensiya kahit na makakapahamak sa buong bansa.

Sa mga nakaraang talumpati ni Pres. Rodrigo Duterte, maliwanag na sinabi nito na galit siya sa bawal na droga, corruptions at iligal na mga sugal pero, nariyan pa rin at talamak ang mga kinamumuhian niya. Kahit ano pa ang gawin ng mga sanitizers tulad ng tanggapan ni BOC Comm. Nicanor Faeldon ay tanging ang nakikinabang na mga katropa lamang nito ang maaring nahihibang at naniniwala na wala na ngang smuggling sa bakuran nila. Kung nagpapakatotoo si BOC CIIS Director at Spokesperson Neil Estrella na maayos na ang sitwasyon sa BOC, bakit may alingasngas na marami pa rin ang tumatara o humihingi ng lagay sa mga Customs broker/importers sa BOC? Ano na ang balita sa 60 kilos na shabu na kaya lamang nahuli ay itinimbre ng Chinese authority? Walang madampot na konkretong dahilan ang mga tagapagbalita mula sa tagapagsalita ng BOC pero malamang na may masibak dito sa hindi malayong panahon.

Ang isyu sa STL franchising sa PCSO ay naging malaking isyu sa pagkakadawit sa kapatid ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre na si Oggie Aguirre. Si Atong Ang na kilalang operator ng mga sugalan sa bansa ay nagdawit din kina National Security Adviser Gen. Hermogenes Esperon at mga mistah nito sa PMA Batch ’82 sa planong paglikida sa kanya dahil sa STL. Maraming alam sa iligal na sugal si Atong na nagpayaman sa kanya. Isa rin si Atong sa nagpahamak kay Erap at sanay din itong magbigay ng “tong”o intelihensiya sa iba’t ibang sangay ng law enforcers sa bansa.

Ang isyu sa maanomalyang pagbili ng mga fire truck ng DILG na nagpatalsik kay Sec. Ismael Sueno at pagkakasibak kay Usec Halmen Valdez dahil sa rice importation anomaly ay isang malaking rebelasyon na totoo ang banta ng pangulo sa mga corrupt na inasahan ng mamamayan na marami pa ang susunod kina Sueno at Valdez. Ang pagkakakuryente sa fake news ni Aguirre hinggil sa involvement ng ilang senador sa Marawi Seige ay naging katawa-tawa din at nasundan tuloy ito ng kabi-kabilang pagdududa sa mga bagong akusasyon ng DOJ sa mga taga-oposisyon. Napupuna ng maraming kritiko ang ginagawang direktang paghahayag ni Aguirre sa mga nangyayari at aksyon nito sa kanyang tanggapan at hindi na nito pinadadaan pa sa kanyang spokesperson. Marami ang naniniwala na nagmula rin sa social media warriors na supporters ng Duterte administration ang fake news na nasakyan ni Aguirre. Ano sa palagay n’yo? May mga palpak din naman sa oposisyon na tulad ni Sen. Antonio Trillanes na mistulang spokesperson con destroyer  na sa sobrang daldal ay madalas magkamali kaya maraming akusasyon ang binibitawan na wala namang matibay at konkretong ebidensiya at sa dulo ay walkout lang ang peg!

Bakas sa Radyo La Verdad 1350 AM Band tuwing Sabado 5:00-7:00 pm.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with