^

Punto Mo

‘Mas pinalakas na #sumbongOFW, nag-umpisa na!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ARAW-ARAW, dagsa ang mga reklamo mula sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa aming himpilan sa Quezon City, maging sa aming mga social media accounts lalo na sa Facebook.

Bilang tugon sa mga dumaraming reklamong ito, mas pina-lakas na serbisyo publiko ng Kilos Pronto ang inihanda namin.

Ganap ng nakipag-ugnayan ang Kilos Pronto sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nagsimula nang umupo sa aming programa ang mga representante ng tanggapan ng OWWA upang aktuwal na tumugon sa mga hinaing ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Nitong Lunes, nakasama na namin si Atty. Hans Leo Cacdac, Administrator ng OWWA. Noong araw din na ‘yun, maraming pabayang ahensya ang nakatikim kay Administrator Cacdac, bukod pa sa aming mag-utol.

Martes, kinabukasan, ang hepe naman ng Advocacy at Social Marketing Division ng OWWA ang aming panauhin na si Ms. Josephine Tobia na naging katuwang sa pagsagot sa mga #sumbongOFW.

Hindi lang natapos sa guesting ang presensiya ng dalawang nabanggit na panauhin. Pagkatapos ng programa, mismong si Administrator Cacdac at Ms. Tobia ay umupo sa BITAG action center upang tugunin pa ang mga kaanak ng mga nagsumbong na OFW.

Nauna nang nagkaloob ng kanilang tiwala at pakikipagtulungan si Department of Labor Secretary Silvestre Bello III noong nakaraang linggo.

Sinundan ngayon ng OWWA at positibo akong makikipagtulungan din ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) at maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-upo ng bagong sekretaryo na si Allan Peter Cayetano.

Paalala, libre ang aming pagtulong, walang bayad ang serbisyong publiko ng BITAG at Kilos Pronto lalo na`t katuwang namin ang iba`t ibang ahensiya ng gobyerno.

Marami pang lilipad na sapatos ni Tol Erwin at marami pa kong hahatawin na sinturon kung `yun ang kinakailangan para paigtingin pa ang aming pagtulong sa loob at labas ng bansa.

Kaya `yung mga ahensiyang nagpaalis sa ating mga kababayan para magtrabaho sa ibang bansa, ayusin n’yo ang trabaho. Dinggin n’yo ang hinaing ng mga aplikanteng pinaalis n’yo at kanilang mga kaanak.

Kapag umabot pa sa aming tanggapan ang mga sumbong na ito ibig sabihin hindi n’yo ginawa ang inyong trabaho, kwidaw kayo. Marami nang napahiya at napasara, hindi n’yo gugustuhin na kayo ang sumunod.

 

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with