^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga pulis, pagpatrulyahin sa paligid ng eskuwelahan

Pang-masa

ABALANG-ABALA ang mga pulis ngayon sa “Oplan Tokhang”. Araw-araw ay may mga nahuhu­ling drug suspects at may napapatay dahil lumaban sa mga pulis. Mga celebrities o artista naman daw ang isusunod na isasalang sa “Oplan Tokhang” kasunod nang pagkakahuli sa dating sexy star na si Sabrina M. sa Quezon City noong Linggo ng gabi sa isang buy-bust operation. Kasamang nahuli ni Sabrina ang dalawa pang suspect na naaktuhang gumagamit ng shabu.

Aktibo ang PNP ngayon at sinisikap na maubos ang lahat nang mga nagtutulak ng illegal drugs. Dati ay anim na buwan ang pangako ng PNP sa paglipol sa drug syndicates pero humingi pa ng anim na buwang extension si President Rodrigo Duterte.

Sa aming palagay, magtatagumpay ang PNP sa kampanya laban sa illegal na droga. Maaaring bago matapos ang termino ni Duterte ay drug-free na ang bansa. Wala nang mga sindikato ng droga at mga tulak na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Nararapat papurihan ang PNP sa maigting na drug operations. Pero mas magiging kapuri-puri sila kung paiigtingin din ang police visibility sa mga school sa Metro Manila.

Laganap ang krimen sa paligid ng mga school na ang karaniwang biktima ay mga estudyante. May hinoholdap paglabas ng school at walang pulis na nagpapatrulya kaya naman mabilis na nakakatakas ang kawatan. May mga “namimitas ng hikaw” sa mga naglalakad na estudyante o kaya’y nasa dyipni. May mga rugby boys din na pakalat-kalat sa paligid ng school at maaring may gawing masama sa mga estudyante.

Kapuri-puri ang PNP sa kampanya sa droga pero sana naman ay maging maigting din sa pagbabantay sa bisinidad ng mga eskuwelahan. Mas mapapanatag ang kalooban ng mga mag-aaral at magulang kung may mga pulis na unipormado sa paligid ng eskuwelahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with