^

Punto Mo

‘Stars may magic?’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

GUSTO niyo bang malaman kung sinu-sino ang nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga artistang sangkot sa droga?

Ayon sa Pangulo limampung celebrities ang kabilang sa listahan ng mga sangkot sa iligal na droga. Sampu sa mga ito ay hindi lang daw ‘user’ kundi ‘pusher’ din.

May mga nauna nang balita na binanggit ang ilang pa-ngalang sikat na sikat ngayon ngunit kanya-kanya naman silang pagtatanggol sa mga sarili.

Napabalitang madalas gamitin ng mga celebrities ay ang ‘party drugs’.

Napapanood natin sila sa telebisyon at maraming kabataan ang umiidolo sa kanila kaya dapat lang na maging ‘role model’ sila at magsimulang magbigay ng inspirasyon sa mga ito.

Kung meron mang artistang gumagamit d’yan ng iligal na droga ay dahil sobra na ang kanilang kinikitang pera at wala ng mapaglagyan. Gusto din nilang sumubok ng bago kaya naeengganyo sila dito.

May ilan naman na dahil sa klase ng kanilang trabaho kailangan nilang gumamit nito.

Ang ilan sa kanila ay sikat pero ang iba naman ay palaos na.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na kapag artista ka puyatan at paguran din ang usapan dyan. May hinahabol silang deadline.

Malamang kabado na ang mga artistang gumagamit o nagtutulak d’yan dahil alam nilang patuloy silang iniimbestigahan ng otoridad para makumpirma ang mga balitang ito.

Ilan sa mga nasa listahan ay sumailalim na sa ‘drug testing’. Nakuha naman ang mga pa-ngalang ito dahil sa sunud-sunod na pagkakahuli ng mga ‘drug suspects’.

Alam nating mabuti na ikasisira ng kanilang mga career kapag napatunayang sangkot nga sila sa iligal na droga kaya nag-iingat din ang otoridad sa  pag-iimbestiga sa kanila.

Gusto man naming ihayag sa inyo ang mga pangalan ng mga ito ayaw naman naming pangunahan ang ating Pangulo na isapubliko ang nasa kanyang listahan.

Desisyon na ni Pangulong Duterte kung kailan niya babanggitin isa-isa ang mga pangalang ito.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with