^

Punto Mo

Nagmahal…nasaktan…kumain nang marami… nagtae

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA kabila ng  kanyang timbang na 270 pounds, sa taas na 5’4, minahal pa rin siya ni Boboy. Maganda naman kasi ang kutis niya, matangos ang ilong at higit sa lahat mabait. Nagtangka siyang magpapayat noong unang taon ng kanilang pagiging magnobyo pero buong pagmamahal siyang sinabihan ni Boboy :

Hon, hindi mo na kailangang magpakahirap magpapayat. I love you kahit pa anong korte ng iyong katawan.

Kaya hayun, sobra siyang naging komportable sa pagiging mataba. Lamon pa more ang lagi niyang drama hanggang sa ma-realize niyang masarap na palang gawing sisig ang kanyang batok. Kung noong 200 pounds ay napapansin pa ang kanyang kagandahan, noong umabot na ang timbang sa 270, nakapokus na ang mata ng mga tao sa kanyang nagtataray na mga bilbil. Para kasi itong extra large na salbabidang nakapulupot sa kanyang tiyan.

Pareho silang nagtatrabaho ni Boboy. Siya sa Maynila, samantalang si Boboy ay sa Quezon City. Dati ay tatlong beses isang linggo sila nagkikita pero habang lumalaki ang kanyang mga binti at braso, naging isang beses na lang. Hanggang namalayan niyang natitiis na siyang hindi makita sa loob ng isang linggo. Ang palusot, ang walang kamatayan at makabagbag damdaming overtime.

Noon ay birthday ni Boboy, umabsent siya sa trabaho para puntahan sa boarding house nito. Kabisado niya na nagbi-birthday leave ito. Yayayain niyang mag-date sila at gastos niya lahat bilang blowout. May susi siya sa kuwartong inuupahan ni Boboy. Pagtulak niya sa pintuan ay nagulat siya sa nadatnan—walang tao pero magulong-magulo ang kama. Pinagdadampot niya ang kalat. May red bikini panty na nakasingit sa ilalim ng unan. Hindi ‘yun kanya. Panty ni Lola ang kasya sa kanya—maluwang at ‘long sleeve’. ‘Yun red panty, medium ang size…pang-sexy! Kumabog bigla ang kanyang dibdib. Parang may kumurot nang pinung-pino sa pinakasulok ng kanyang puso. Napakagat siya sa labi. Iyon ang pinakamasakit na nadama niya sa kanyang buhay.

Dinampot niya ang red panty. Isinilid sa bag. Hindi na niya inisip kung nagamit na iyon o may amoy. Basta’t kailangang may ebidensiya siya kapag inimbestigahan niya ang boyfriend. Kinabukasan ay tinawagan niya ang boyfriend at hiniling na magkita. Noong magkaharap na sila, inilabas niya ang red panty. Umamin kaagad si Boboy na may bago na siyang girlfriend. Nag-sorry naman ito sa kanya. Hindi siya nagmura o nanumbat. Pero bago umalis ay isinampal niya sa mukha ang red panty. Ganoon lang kasimple ang naging ending ng kanilang love story.

Nag-half day siya sa opisina. Pumunta sa food court ng isang mall para maraming pagpipiliang pagkain. Kung anu-ano ang binili niyang pagkain. Magpapakabusog siya sa araw na iyon. Iyon na ang last day ng kanyang katakawan dahil kinabukasan, magsisimula na siyang magpapayat. Kaso kinabukasan, maaga pa ay gising na siya. Ginising siya ng sakit ng tiyan. Pinaghalo-halo  kasi niya ang kanyang kinain. Hayun nagrebolusyon ang mga kinain at nag-uunahang lumabas patungo sa walang hanggan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with