^

Punto Mo

Gardening: May benepisyo sa katawan

MD - Pang-masa

HETO ang mga benepisyo ng gardening at pagtatanim sa bakuran:

1. Para sumaya at ma-relax. Mababawasan din ang iyong stress. Ang pagtingin sa mga puno, halaman at magandang tanawin ay nagpapasaya sa atin. Ang paglanghap ng malinis na simoy ng hangin at may tulong sa maysakit. Sa pagtatanim, malilibang ka at malilimutan mo ang iyong problema, kahit saglit lang. May pagsusuri na nagsasabi na mas mabilis gumaling ang maysakit kapag nakakakita ng magandang tanawin.

2. Para maka-ehersisyo at lumakas ang katawan. Ang pag-tatanim ay katumbas na rin ng pag-workout. Dahil regular ang iyong pag-garden, regular din ang iyong ehersisyo. Sa pagbungkal ng lupa, pagtanim at pagdilig ay gagalaw ang iyong buong katawan. Gawin lang ito ng 30 minutos hanggang 1 oras para hindi sumakit ang iyong likod at katawan. Sa katagalan ay masasanay din ang iyong katawan. Ang paglabas sa araw, sa umaga at hapon, ay nagbibigay ng vitamin D na may tulong sa buto at immune system. Umiwas lang sa matinding sikat ng araw mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

3. Para sa masustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas. Napakasarap ng mga gulay at prutas na mula sa sarili mong bakuran. Dahil alam mong malinis at organic ito. Punumpuno pa ng bitamina at minerals na magpapalakas sa iyong katawan lalo na kung bagong pitas ito. Hindi katulad ng ibang mga binebenta sa merkado na posibleng ilang araw nang pinitas at mababa na sa sustansya.

4. Para makatipid sa pambili ng pagkain. Mahal ang benta ng gulay at prutas ngayon. Kung may sobra kang bunga at makatutulong ka pa sa mga kaibigan mo.

5. Para maging healthy ang pamilya. Sa pag-garden at pagtanim mo, ay maeengganyo ang mga bata na kumain ng gulay at prutas. Ang mga bata ay puwedeng tumulong sa pagtanim para may ehersisyo rin sila.

Tandaan lamang na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig pagkatapos mag-garden. Linisin din ang ilalim ng kuko para makaiwas sa mikrobyo na puwedeng makuha sa lupa. Good luck po.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with