^

Punto Mo

Old Wives’ Tales

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Mga paniwala ng matatanda ang ibig sabihin ng “Old Wives’ Tales”.  Narito ang ilang Old Wives’ Tales na inakalang tama noong una pero mali pala.

Masamang mag-swimming pagkatapos kumain dahil ito ang dahilan ng pulikat.  Ayon sa Red Cross, walang kinalaman ang pagiging busog sa pagkakaroon ng pulikat habang lumalangoy. Basta’t ipinapayo nilang magpalipas muna ng ilang minuto matapos kumain bago maglangoy para  mabigyan ng oras ang iyong digestive system na tunawin ang pagkain.

* * *

Nakakalinaw ng mata ang carrots. Kumalat ang ganitong balita dahil noong World War II ay sinasabing may excellent night vision ang British airmen dahil mahilig silang kumain ng carrots. Ang totoo, malinaw ang mata ng mga sundalo dahil may ginagamit silang Radar. Idinahilan lamang ang carrots para hindi sila mabisto ng mga kalabang German na gumagamit sila ng Radar. Mayaman sa vitamin A ang carrots pero hindi ito nagi-improve ng paningin.

* * *

Nakakabulag ang masturbation. Sa France, pinaniniwalaang ito ay nakakabingi.  Ginamit na panakot ito sa mga bata for religious reasons. Nanggaling ang panakot na ito sa dahilang ang  sperm ay maraming zinc. Ang isang dahilan ng pagkabulag ay kakulangan sa zinc. Pero imposibleng maging dahilan ng kakulangan sa zinc ang masturbation.

* * *

Magkaka-warts kapag napadikit sa palaka. Ang  warts ay mula sa virus. Imposibleng magkahawahan ng warts ang tao at hayop dahil ang virus na nagiging dahilan ng warts sa tao ay kumakapit lang sa balat ng tao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with