^

Punto Mo

Marcos vs. Aquino, matatapos sa paglilibing

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NABITIN pa ang desisyon ni Pres. Rodrigo Duterte na pahintulutang mailibing na sa Libingan ng mga Bayani si dating Pres. Ferdinand Marcos.

Ito ay matapos na maglabas ng status quo ante order ang Korte Suprema o pagpigil sa loob ng 20 araw sa planong pag­libing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ang desisyon ng Korte Suprema ay alinsunod sa mga petis­yon na kontra sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil sa labag umano ito sa batas.

Magkakaalaman naman sa oral argument na itinakda sa Agosto 31 ang mga posisyon at argumento ng magkabilang panig.

May paglilinaw ang Malacañang na hindi bayani kundi ang pagiging presidente at sundalo ang rason sa pag-aapruba na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa aking pananaw, makakabuting ilibing na nga sa Libingan ng mga Bayani si Marcos dahil ito na ang magsisilbing pagsasara sa aklat ng matinding labanan ng dalawang pamilya sa bansa -- ang mga Aquino at Marcos.

Kung matatapos na ang usapin sa paglilibing, kasabay na ring malilibing ang tila magkaribal na dalawang pamilya sa larangan ng pulitika.

Ito rin ang magwawakas upang matapos na ang pagkawatak-watak ng mga Pilipino na kampi sa mga Marcos at mga Aquino.

Mawawalan na rin ng isyung magagamit ang mga tinaguriang dilawan sa pangunguna ng mga Aquino kung maililibing na si Marcos at mawawalan na rin sila ng kulay sa larangan ng pulitika.

Anumang ang maging desisyon ng Korte Suprema sa usaping ito ay susundin umano ng Malacañang pero inaasahan ng lahat na hindi na manghihimasok ang hudikatura sa desisyong ito ng sangay ng ehekutibo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with