^

Punto Mo

Mga sanhi ng pananakit ng sakong

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

SAKONG ang tawag sa heel area ng paa. May mga pagkakataong nananakit din ito. Mahirap kapag masakit ang sakong kasi’y buhat nito ang bigat ng buong katawan. Nang bumigat ang timbang ng isa kong kaibigan, nanakit din ang kanyang sakong. Anu-ano kaya ang posibleng sanhi ng pananakit ng sakong?

Lahat tayo ay may Achilles’ tendon. Ito yung litid na nagdurugtong sa dakong likod ng ating sakong sa ating calf muscle (ito yung muscle na kitang-kita nating nagngangalit kapag nakatingkayad tayo). Ang Achilles’ tendon ang sinasabing isa sa pinakamatatag na litid ng ating katawan. Kapag ang litid na ito ay na-damage o nasaktan o napuwersa, puwedeng mamaga ito o manakit. Tendinitis ang tawag natin dito. Namamaga ang Achilles’ tendon. Ang madalas na magkaroon nito ay ‘yung mga taong mahilig tumakbo na hindi nagsusuot ng tamang sapatos para rito.

Sa plantar fasciitis, nakararanas ng pangingirot ang ating sakong, lalo na sa tissue na nakasuporta sa arko ng ating paa (plantar fascia ang tawag dito). Overuse at strain ang karaniwang sanhi na maaaring dala ng pagiging mataba (overweight) o pagbubuntis o pagtakbo o paglalaro ng sports. Puwede ring ma-strain ang tissue na ito sa pamamagitan ng pagbubuhat ng mabibigat na objects o sa paggamit ng di tamang sapatos.

Siguro rin ay narinig n’yo na ang terminong “spurs.” Tumutukoy ito sa isang “abnormal na bone growth” sa dakong sakong. Hindi natin malaman kung ano ang tiyak na pinagmulan ng spurs na ito. Pero sinasabing ang posibleng sanhi ay ang matagal nang pagiging overweight, palagiang pagtakbo, o pagdya-jogging. Kung hindi maganda ang lapat ng sapatos, lalo lamang tumitindi ang sakit na nararamdaman sa sakong dala ng spurs. Dito ay walang pamamaga. Basta’t may bahagi lamang ng buto sa sakong na masakit kapag nadiinan. Walang iniinom na gamot para rito. Hindi naman kailangang operahan. Kakailanganin lamang ang operasyon kung matinding discomfort na ang nararanasan ng pasyente.

Isa pang sanhi ng masakit na sakong na maaaring dala ng trauma sa dakong ito ay ang bursitis. Halimbawa ay kung lumundag tayo nang mataas, o aksidenteng bumagsak tayo, at nag-landing tayong una ang ating sakong. Puwede ring ang magpasimula nito ay ang pagsusuot ng sapatos na ubod-higpit. Ang tinatamaan dito ay ang tinatawag na bursae, mga maliliit na sisidlang naglalaman ng fluid na nagbabawas ng friction sa pagitan ng mga buto at litid ng sakong. Ang pananakit sa sakong ay mas matindi sa dakong gabi o matapos ang matagalang pagtayo.

Heto ang puwede nating gawin sa nananakit nating sakong:

• Ipahinga ang ating paa depende sa kung anong kondisyon ang mayroon tayo.

•  Puwedeng uminom ng mga pain relievers gaya ng ibuprofen, aspirin, paracetamol, o naproxen

• Pumili ng sapatos na tama ang lapat sa paa at kumportableng ilakad. Higit sa disenyo at porma ng sapatos, mas dapat nating isaalang-alang ang ginhawang idudulot nito habang suot natin ang sapatos

•  Gumamit ng heel pad o arch support sa paa, kung kinakaila-ngan

•  Puwedeng masahihin ng yelo ang sakong sa loob ng 5 minuto matapos mag-work out sa gym, o maglakad nang malayo, o habang nagpapahinga sa gabi.

• Kung mag-eehersisyo, mag-stretching muna nang hindi mabigla ang ating mga litid at kasu-kasuan

• Panatilihin ang tamang timbang ng katawan

• • • • • •

Happy 16th birthday sa aking magandang pamangkin na si Tricia Nicole Gatmaitan Alimato, senior high school student ng Wesleyan University-Philippines sa Cabanatuan City. Pagbati rin mula kay Daddy Bong, Mommy Tess, and brother Patrick. We love you.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with