^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagbuwag sa BOC, BIR, at LTO

Pang-masa

MARAMING korap sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Land Transportation Office (LTO). Talamak ang korapsiyon sa tatlong tanggapan at alam na ito ng mamamayan. Hindi kikilos ang mga papeles dito kung walang padulas na pera.

Sa BOC, lantaran na ang pagiging korap ng mga opisyal at empleado at maski ang janitor at guwardiya roon ay namamantikaan din ang nguso. Napabalita noon na may mga empleado sa Customs na dala-dalawa ang sasakyan at may tatlo o apat na pintong apartment na pinauupahan. Nang bulatlatin ang suweldo ng empleado, napag-alamang P15,000 lamang. Paano makakabili ng sasakyan at paupahang bahay ang ganitong suweldo?

Marami ring korap sa BIR. Tahanan din ito ng mga “gutom na buwaya”. Marami ring opisyal at empleado rito ang namumutiktik ang bulsa dahil sa “pag-aayos” nang babayarang tax. Magaling sa hokus-pokus ang mga opisyal at empleado sa BIR. Pera-pera lang ang katapat at ayos na ang mga bayarin sa buwis.

Maraming buwaya sa LTO at mas matatakaw pa. Walang kabusugan ang mga “buwaya” sa LTO at sa paglipas ng panahon, lalo pang naging talamak ang korapsiyon dito. Walang pagbabago sa LTO sapagkat ang mga iniupo rito ay pansarili lamang ang hangad. Walang makitang pagsisikap para maging malinis at tapat sa paglilingkod sa mamamayan.

Ang kabulukan ng BOC, BIR at LTO ay nalalaman ni incoming president Rody Duterte. Tinukoy niya ang tatlo na pinaka-korap. Kaya ang babala niya sa tatlong tanggapan, bubuwagin niya ang mga ito. Hindi raw siya mangingiming i-abolish ito dahil sa matinding korapsiyon.

Harinawang mangyari ang mga pinangako ni Duterte. Buwagin ang tatlong korap na tanggapan para makalaya ang taumbayan sa matatakaw na buwaya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with