^

Punto Mo

Carabao Man (22)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SABI mo hindi mo kayang umarte, e mas mahusay ka pa sa bidang lalaki,” sabi ni Dang nang nasa condo na sila. Kasama pa rin nila si Tasya.

“Magaling din kasi si Direk. Napiga niya ako. Naibuhos ko ang emosyon lalo na noong namatay ang leading-lady ko. Talagang buhos na buhos ako sa pag-iyak.’’

“Ang husay mo nga. Alam mo habang umaarte ka, walang kabakas-bakas na galing ka sa isang liblib na lugar. Talagang pinahanga mo ako JP.’’

“Sobra-sobra na ang pa-puri mo, Dang.’’

“Totoo naman. Mas lalo pa siguro kung dadaan ka sa acting workshop.’’

“Gusto kung dumaan dun. Puwede Dang?”

“Oo naman. Sige ako ang bahala. Kapag dumaan ka sa acting workshop, baka talunin mo na ang iba pang artista diyan. Lalo kang hahangaan, JP. Maniwala ka.’’

“Bukas daw ay ibang scene naman ang kukunan. Baka raw hanggang gabi na.’’

“Ganyan talaga kapag ihahabol sa festival ang movie. Balita ko isasali sa Manila Filmfest ang pelikulang sinamahan mo.’’

“Talaga?’’

“Oo. Sabi kasi ni Mr. Kim, gusto niya may pelikula ang kanyang outfit na kasama sa festival. Kaya buhos na buhos ang gastos. At nanininiwala siya na papatok ang pelikulang ginagawa mo.’’

“Malaki talaga ang ini-expect sa akin ni Mr. Kim. Kailangan talaga pagbutihin ko.’’

“Oo nga, JP. Kapag pumatok ang first movie mo, biglang yaman ka. Kung magbigay ng biyaya si Mr. Kim ay umaapaw.’’

Napangiti si JP.

“Kapag nagkatotoo ang sinabi mo, maipapagawa ko na ng bahay sina Itay at Inay. Mapag-aaral ko sa kolehiyo ang kapatid ko.’’

“Hindi lang yun, maka-kabili ka rin ng sasakyan.’’

“Ang dami ko nang pa-ngarap e hindi pa nga naipapalabas ang pelikula ko.’’

“Talagang ganyan. Dapat mag-imagine ka na para pagnagkatotoo, hindi ka na malilito.’’

“Pagnagkatotoo, mabi­bigyan ko nang magandang buhay sina Itay.’’

“Sige matutupad yan.’’

PAGKARAAN ng isang buwan, natapos ang pelikula at ipinalabas. Patok iyon. Kumita ng milyon sa unang araw ng pagpapalabas. Nalampasan ang iba pang pelikulang kasabayan. Iyon ang unang pelikula ng Dayami Films na limpak ang kinita. Pinataob ang mga kalaban sa takilya.

Naging usap-usapan ang Carabao Man na si JP. Nagtilian ang fans. Kabi-kabila ang nagpapa-picture at selfie.

Hindi makapaniwala si JP na isa na siyang artista.

(Itutuloy)

vuukle comment

NBA

THUNDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with