^

Punto Mo

‘Laglagan’ Blues

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY biniling concert ticket si Meisy. Medyo may kamahalan dahil foreigner ang artist. Para sa isang college student, malaking halaga na ang presyo ng ticket. Niyaya kasi siya ng classmates niya na mayaman. Kambal ang mga ito. Anim na buwan pa ang hihintayin bago mapanood ang concert. Bumili agad sila ng ticket para makaseguro na hindi mauubusan.

Isang buwan bago mag-concert, ibinalita ng kambal kay Meisy na na-upgrade ang ticket nila sa VIP  dahil sa koneksiyon ng isang kamag-anak sa producer ng concert. Malinaw na mag-isang pupuwesto si Meisy sa hulihang upuan habang ang kambal na nagyaya sa kanya at nagtulak na bumili ng concert ticket ay buong saya na nakaupo sa unahan. Ilang dipa lang ang layo sa mga performers.

Naihinga ni Meisy ang disappointment sa inang si Lucy. Noong una, plano ni Lucy na kausapin ang kambal. Didiretsahin niya na bakit naman ganoon, sana kung na upgrade ang ticket nila, sana ipina-upgrade din nila ang ticket ni Meisy. Sila ang nagyaya sa kanyang anak kaya obligasyon ng mga ito na isama ito saan man sila pumunta. Ano… laglagan na lang ang drama dahil lang sa isang concert? Pero nag-second thought ang ina. Ito ang tamang oras para manindigan ang kanyang anak para sa sarili.

Tinuruan ni Lucy na makipag-usap ng masinsinan si Meisy sa kambal. Tinuruan din niya kung ano ang magandang sabihin sa mga ito na hindi magmumukhang nagmamakaawa. Ngunit hindi rin dapat magmukhang nagtataray. Lumipas ang ilang araw, na-upgrade rin ang ticket ni Meisy. Na-guilty daw ang kambal kaya ginawan ng paraan.

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with