^

Punto Mo

Sir Juan (197)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NADUKOT ni Nectar ang bungkos ng pera sa bulsa ng jacket ni Dalton. Hawak na niya ang pera.

“Anong gagawin ko Dalton?’’

“Isabog mo!”

“Ano? Isasabog ko? Sayang ito Dalton? Sira ka ba?’’

“Basta isabog mo sa dadaanan natin.”

Walang nagawa si Nectar kundi gawin ang utos ni Dalton. Isinabog niya ang mga pera sa dinadaanan ng motorsiklo. Itinodo ni Dalton ang pagpapatakbo. Nagliparan ang mga pera. Ang mga taong nasa kalye ay nag-agawan sa nagliparang pera. Nagkagulo dahil sa dami ng pera.

Ang pagkakagulong iyon ang naging dahilan para hindi makasunod ang mga humahabol na police car. Naistak sila at hindi makausad.

Tawa nang tawa si Dalton habang mabilis na pinatatakbo ang motor.

“Lumang style na pero epektibo pa di ba Sweetie pie,” sabi nito at humahalakhak na parang demonyo.

“Epektibo nga pero sinayang mo ang pera. Sayang ang dami nun. Isang bungkos!’’

Nagtawa pang lalo si Dalton.

“Tawa ka nang tawa! Sinayang mo ang pera e nagtatawa ka pa!’’

“Peke ang mga perang iyon! Hindi ako loko-loko na magsasabog ng pera. Wise ito, Sweetie Pie!’’

Napahigpit ang kapit ni Nectar sa baywang ni Dalton.

“Bilib na talaga ako sa’yo, Dalton. Wise ka talaga!’’

“Ikaw lang e parang duda ka pa kanina. Basta magtiwala ka sa akin Sweetie pie at nasa mabuti kang kamay.’’

Itinodo ni Dalton ang pagpapatakbo.

“Isang banko pa ang kakanain natin at pagkatapos sina Sir Juan na ang isusunod natin. Para naman lalo kang matuwa, ha-ha-ha!’’

Lalong humigpit ang hawak ni Nectar sa baywang ni Dalton.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with