^

Punto Mo

‘Si Mrs. Tsinelas’

- Tony Calvento - Pang-masa

SA pagtanggap ni Camarines Sur Representative Leni Robredo ay hindi lamang angat siya sa ibang mga Bise Presidenteng naghayag ng hangarin tumakbo upang manungkulan bilang Pangalawang Pangulo.

Tahasan ko ring masasabi na si Leni ay makakatulong sapag-angat ng ratings si Presidential aspirant Mar Roxas. Swak ang timpla ng Mar-Leni tandem.

Ilang araw na lang at pormal na nating malalaman ang listahan ng mga tatakbo para sa halalan 2016.

Pagkapasa nila ng ‘Certificate of Candidacy’ opisyal na silang nasa hanay ng mga mangangampanya para manligaw sa mga tao at hikayating sila’y iboto.

Marami nang mga kilalang politiko na noong nakaraang taon pa lang ay maingay na ang pangalan at nagpaparamdam nang gusto nilang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Ang mga nagpahayag na ng kanilang kagustuhan na tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas ay sina Mar Roxas, Grace Poe at VP Jejomar Binay. Sino nga ba ang kanilang mga bise-Presidente?

Pumipili din sila ng malakas-lakas na kapareha para mas lumaki ang tiyansang manalo.

Isa sa pangalan na hindi naman inakala ng karamihan na tatakbo ay si Leni Robredo.

Si Maria Leonor Robredo o mas kilala sa tawag na Leni Robredo ng Bicol ay isang simpleng tao tulad ng kanyang asawang pumanaw na si Jessie Robredo.

Kung naaalala ninyo si Jessie na naging DILG Secretary ay naglalakad lang sa kanyang distrito sa Bicol na naka-tsinelas lang.

Gaya ni Jessie, si Leni ay simple lang at halos hindi naiiba sa kanyang mister na nag-aabang pa ng bus pauwi sa kanila sa Bicol.

Hindi siya tulad ng ibang politiko na dala ang kani-kanilang sasakyan at may panahon pa ngang gamit nila ang sasakyan ng Gobyerno at may back-up vehicles na puno ng bodyguards.

Maagang nawalan ng asawa si Leni at ang pagkamatay na ito ay naging paraan para pasukin niya ang pulitika. Nanalo siya bilang Kongresista laban sa isang napakalakas na ‘political dynasty clan’ sa Bicol..

Kahit siya ay Kongresista na ang kanyang pagiging simple tulad ng asawa niyang si Jessie na nakilalang laging naka tsinelas, umiikot sa kanyang mga Constituents, si Leni naman nanatiling pangkaraniwang mamayanan.

Ngayon mas mabigat na hamon ang kanyang tinanggap nang pumayag siyang tumakbo bilang bise Presidente ni Mar Roxas.

Kung maaalala ninyo nung namatay si dating Presidente Cory Aquino dun nagsimulang magkaroon ng simpatiya ang mamamayan kay P’Noy. Hinikayat siyang tumakbo at nanalo bilang Presidente.

Si Grace Poe na dating nasa MTRCB, namatay ang kanyang amang si Fernando Poe,Jr. Tumakbo bilang senador dala ng pagiging popular dahil mahal ng masa ang kanyang ama.

Ang kanilang mga magulang ang kilala at nadala lang ang kanilang mga pangalan nang mawala ang mga ito.

Kung titingnan mong mabuti di hamak na mas totoong tao si Leni. Kabaliktaran naman si Grace Poe na nabuhay sa karangyaan at nag aral pa sa Amerika.

Nagsimula din ang maganda niyang pangalan nang mismong pumila siya sa MRT at hindi umasta na parang sinasabi,’Senador ako!’ Kahit anong ganda ng kanyang pangalan marami pa ding mga isyung lumalabas laban kay Grace Poe na mas minabuti ko na lang na hindi ko na babanggitin sa pitak na ito.

Kahapon Oktubre 5, 2015 ay narinig ko ang kanyang pagtanggap sa hamon ng Lakas Partido (LP) na tumakbo bilang ‘running mate’ ni Mar Roxas sa Malacanang.

Lagi siyang nagtatanong noon kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Inaalala nila ang sinabi ng kanyang mister na magtiwala lang dahil ang lahat ay may dahilan.

“Ang mabuti ang laging mananaig at ang tama ang laging magtatagumpay,” sabi ni Leni.

Bubuhayin niya daw ang halimbawa ng kanyang mister na paglilingkod bayan.

“Ibinibigay ko po ang aking sarili ng buong-buo lalo na sa inyong mga nakatsinelas na nasa baba, nasa laylayan ng lipunan,” pahayag ni Leni.

Ganitong uri ng tao ang madaling malapitan ng mga mahihirap dahil naiintindihan nila ang kagayan ng mga ito. Ang mga taong hindi nabuhay na salat at simple ay hindi basta mauunawaan ang damdamin ng isang taong isang kahig isang tuka.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BICOL

KANYANG

LEFT

LENI

MAR ROXAS

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with