^

Punto Mo

Sampaguita (115)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGBIBIHIS si Sampaguita nang mag-ring ang cell phone niya. Si Sir Manuel ang tumatawag!

“Hello, Sir!’’

“Hello, Sam, pasensiya kung naabala kita.’’

“Hindi po. Wala po akong ginagawa. Sa totoo lang Sir, tatawag talaga ako sa’yo para magkuwento ng mga nangyari.’’

“May nangyari na ba, Iha?’’

“Kahapon po sinubukan ko nang pumasok sa bahay ni Levi pero hindi kagandahan ang nangyari.’’

“Anong nangyari, Iha?’’

Ikinuwento ni Sam ang nangyari na muntik na siyang “mabitag” ni Levi. Kung nadala siya sa sound proof na room nito, baka “nabiktima” siya. Ikinuwento rin niya na si Ram ang gumawa ng paraan para maagaw ang atensiyon ni Levi. Naghagis ng Molotov bomb sa bakuran nito.

“Delikado nga po pala ang taong ‘yun, Sir. May baril po pala. Nang marinig ang pagsabog ng Molotov, agad na inilabas ang baril at mamamaril sa labas. Mabuti at walang tao sa kalsada.’’

“Binigyan na kita ng babala, Iha. Huwag kang basta papasok sa bahay o kaya’y sasama kay Levi. Gagawin niya ang lahat para ka masira. Huwag mo nang uulitin ang pagpasok sa bahay niya. Ha-yaan mong siya ang pumasok sa bahay mo.’’

“Hindi ko na po uulitin yun, Sir.’’

“Ano ang plano mo nga- yon, Iha?’’

“Kapag nagtungo po siya rito, sasagutin ko na. Tatanggapin ko na kuno ang pag-ibig. At palagay ko po, ito na nga ang simula ng paghihiganti.”

“Good! Sige iha, good luck!”

“Babalitaan po kita Sir Manuel. Bye!’’

Kinahapunan, dumalaw nga si Levi. Maayos na tinanggap ni Sam. May dalang box ng imported chocolate si Levi. Sa may swimming pool muli sila nag-usap. Nagpahanda naman siya ng pagkain kay Viring.

Makaraan ang pagkukuwentuhan, kinulit na ni Levi si Sam. Tinanong ang damdamin ng dalaga. Meron ba siyang espesyal na damdamin.

Hindi na nagpaliguy-ligoy si Sam.

“Oo, Levi may espesyal din akong pagtingin sa’yo.”

Hindi agad nakapagsalita si Levi. Lumipas pa ang ilang segundo bago naibuka ang bibig.

“Totoo Sam, mahal mo rin ako.’’

“Oo, Levi.”

“Pinasaya mo ako, Sam. Ang akala ko, wala kang nararamdaman para sa akin.’’

“Hindi lang ako showy sa pagpapakita ng pagmamahal, Levi pero kung makikita mo ang laman ng puso ko, baka hindi ka maniwala na punumpuno iyon ng pag-ibig.’’

Lalo nang hindi nakapagsalita si Levi.

Lihim naman na may binubulong sa sarili si Sam: Simula na ito ng paghihiganti, Levi. Pagbabayaran mo ang ginawa kay Ylang-Ylang at sa iba pang babae!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

HUWAG

IHA

IKINUWENTO

LEVI

MOLOTOV

OO

SAM

SI SIR MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with