^

Punto Mo

Chihuahua, kamukha ni Hitler

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG walong buwan na Chihuahua sa United Kingdom ang sumisikat ngayon sa Internet dahil sa kakaibang itsura nito.

Pinangalanang ‘Adolf’, ang tuta ay pag-aari ni Claire Walsh at mayroon itong pagkakahawig sa diktador ng mga Nazi na si Adolf Hitler. Mayroong pagkakatulad ang kanilang mga itsura dahil sa mga itim na marka sa mukha ng asong si Adolf na akala mo’y kapareho ng hairstyle at bigote ni Hitler.

Sa kabila ng pagkakahawig niya sa nasabing diktador na may kasalanan sa pagkamatay ng milyun-milyong katao, mabait naman daw si Adolf ayon sa amo nito.

Napansin ni Claire ang pagiging pagkakahawig ni Hitler at ng kanyang aso nang i-upload niya ang mga larawan nito sa Internet. Agad itong pinuna ng mga kaibigan niya sa social media kaya mabilis na sumikat si Adolf.

Sa kabila naman ng pagiging sikat ng kanyang alaga ay binabalak na ni Claire na ipaampon si Adolf. Napamahal na sa kanila ang tuta ngunit masyado na silang maraming aso sa bahay dahil breeder si Claire ng iba’t ibang klase ng mga breed ng aso na kanya namang ipinagbebenta. Kaya naman naghahanap na siya ngayon ng mga gustong mag-ampon kay Adolf sa tamang halaga.

vuukle comment

ADOLF

ADOLF HITLER

CLAIRE WALSH

KAYA

MAYROONG

NAPAMAHAL

NAPANSIN

PINANGALANANG

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with