^

Punto Mo

Sinong malakas?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI nakakadulot nang maganda sa PNP ang pagiging OIC lamang ni Dep. Dir. Gen. Dindo Espina. Habang nanatili kasing OIC si Espina, wala itong pangil o dili kaya’y limitado lang ang mga kilos niya. Kaya nararapat lang na tuldukan na kaagad ni President Aquino ang pagka-OIC ni Espina para wala nang balakid ang mga hakbangin ng huli tungo sa magandang pamamalakad ng PNP nga. Kung hindi man si Espina ang napupusuan n’ya, dapat kaagad-agad na ring magdesisyon si President Aquino na pangalanan ang bagong PNP chief dahil sa ngayon nalilito na ang rank-and-file ng 150,000-PNP kung kaninong guidance ba ang susundin nila. Kasi nga, kahit suspendido na si PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima nang six months, marami pa rin sa  PNP officials ang lumalapit sa kanya at baka bumalik siya sa Hunyo. Mayroon ding lumalapit kay Dep. Dir. Gen. Marcelo Garbo, ang No. 2 ng PNP sa ngayon, dahil siya ang maugong na papalit kay Purisima. Kaya maraming amo ang PNP officials. At isama ko na si Interior Sec. Mar Roxas na hayagan nang nakikialam sa takbo ng PNP. Boom Panes! Lumalabas na apat ang amo ng PNP officials, di ba mga kosa!

Sa suspension ni Purisima, maraming pulis ang nakatingin sa bakuran ni Roxas. Walang naniniwala sa mga kosa ko sa Camp Crame na walang kinalaman itong si Roxas sa kaguluhang nagaganap sa buhay ni Purisima. Sa totoo lang, abot naman ng PNP officials na nais ni Roxas na ang manok na n’ya ang maupo sa trono ng PNP para magamit n’ya ito sa isulong ang ambition n’ya na maging presidente ng bansa. Si Purisima kasi mga kosa, ay sinusuwag  si Roxas dahil bagyo din siya kay P-Noy. Sa ngayon, wala pang linaw kung sino ang mas malakas kay P-Noy ---si Roxas o Purisima. Boom Panes!

Sa pagtalaga ng bagong PNP chief, ang away pa din ng Samar at Balay faction sa Palasyo ang binabantayan sa hanay ng PNP. Kung si Roxas ang masusunod, ang manok n’ya ay si Garbo. At nakapila sa likod ni Roxas sina Sen. Pres. Franklin Drilon at si Rep. Niel Tupaz. Samantalang ang kampo naman ni Little Pres. Paquito Ochoa, at DND Sec. Voltaire Gazmin ang manok nila ay si Espina. Kapag nabulilyaso si Espina, puwedeng ibalik ng kampo nina Ochoa at Gazmin si Purisima matapos pagsilbihan ang suspension n’ya ng Ombudsman, di ba mga kosa? Hehehe! Magulo talaga itong PNP, no mga kosa?

Si Espina ay magreretiro sa Hulyo 2015, si Purisima sa Nob­yembre at si Garbo sa March 2016. Lahat sila ay miyembro ng PMA Class ’81.

Kapag nag-announce kasi si Pres. Aquino ng bagong PNP chief, ibig sabihin n’yan, goodbye na si Purisima. Kung ilagay naman niyang acting PNP chief si Espina, halos me pitong buwan pa siya, samantalang si Garbo ay sa Mar. 2016 pa subalit kapos na ito sa 2016 elections. Kaya kung ikaw si Roxas, t’yak ang ilalagay n’yang PNP chief ay yaong lampas pa sa 2016 elections magretiro. Get’s n’yo mga kosa?

At kung wawalisin itong PMA Class ’81 sa pagka-PNP chief, ang maaring mga kandidato ay itong sina Dir. Ric Marquez ng Directorate for Operations at CIDG chief Dir. Benjie Magalong ng PMA Class ’82; Dir. Juanito Vaño ng Directorate for Logistics ng PMA Class ’83, at Chief Supt. Isagani Nerez ang RD ng Cordillera Region ng PMA Class ’84 at Chief Supt. Napoleon Taas, ng West Point ’84.

vuukle comment

BOOM PANES

CHIEF

CHIEF SUPT

ESPINA

KAYA

PNP

PURISIMA

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with