^

Punto Mo

Manong Wen (121)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPAILING si Jo nang mapagmasdan ang tinatapakang carpet na nakakober sa suwelo. Palagay niya walang butas na tinatakpan ang carpet kundi inilagay lang doon para magkaroon ng design ang bahaging iyon ng store.

“Hindi ilalagay ang lagusan sa lantad na lugar. Tiyak na nasa nakatagong bahagi iyon,” sabi ni Jo.

“Baka nasa kabilang side. Dun sa malapit sa beverage section,” sabi ni Princess.

Tinungo nila ang bahaging iyon. Hindi sila nagpapahalata. Kunwari ay customer sila na mayroong hinahanap na pa-ninda.

Nang marating ang beve-rage section, napansin ni Jo ang isang room na may nakasulat sa pinto: NO ENTRY AUTHORIZED PERSONNEL ONLY.

“Hindi kaya sa room na iyon ang lagusan?” tanong niya kay Princess.

“Maaari. Ano kayang nasa loob nun?”

“Kailangang makita natin ang loob niyon. Malakas ang kutob ko, d’yan ang lagusan ng sindikato.”

“Pero paano natin makikita ang loob e mukhang saradung-sarado.’’

“Aabangan natin kung may lalabas o papasok na tao. Kapag may pumasok, kailangang malaman natin kung paano binubuksan. Siguradong isa sa mga crew nitong store ang may hawak ng susi. Kailangang masubaybayan natin kung saan ila-lagay ang susi. Bilisan natin ang mga mata.

“Oo Jo.’’

“Huwag kang pahahalata na nagmamanman tayo.’’

“Hindi kaya nakukunan tayo ng CCTV?’’

“Basta huwag ka lang pahalata. Normal lang ang kilos mo.’’

“Teka mas mabuti ay bayaran ko muna ang mga panindang kinuha ko para hindi maghinala.”

“Sige! Maghihintay ako rito. Kunwari ay mayroon akong hinahanap na drinks.”

“Okey.’’

Ilang oras na nagmanman ang dalawa pero walang pumasok o lumabas mula sa room.

“Bukas, ikaw ang magmanman dito at ako naman sa kasa o sa hideout. Baka magkaroon ako ng pagkakataon para mapasok na ang bahay.’’

KINABUKASAN, umalis nang maaga sina Jo at Princess.

“Mag-ingat ka Jo. Malupit ang hayop na kalaban natin,’’ sabi ni Princess nang maghiwalay sila.

“Ikaw mag-ingat ka rin. Delikado rin na makilala ka ni Chester.’’

“Mag-iingat ako, Jo.”

“Tawagan mo ako sa cell phone kung ano ang nangyayari.”

“Okey. Bye.”

Umalis na si Jo patungo sa kasa o hideout ni Chester. Tinungo naman ni Princess ang convenient store.

(Itutuloy)

vuukle comment

AABANGAN

ANO

BILISAN

BUKAS

DELIKADO

KAILANGANG

NATIN

OO JO

TINUNGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with