^

Punto Mo

EDITORYAL – Dagsa ang namamalimos sa kalye

Pang-masa

ISA sa palatandaan na malapit na ang Pasko ay ang pagdagsa ng mga namamalimos sa kalye. Hindi lamang mga bata ang nakakalat sa kalye at nakalahad ang mga kamay kundi pati mga matatanda. May mga babaing karga ang kanilang anak at bawat dumaang dyipni na natatrapik ay umaakyat at nanghihingi ng limos. May mga batang sumasampa sa dyipni at nag-aabot ng sobre sa mga pasahero. Pagkatapos iabot ang sobre ay may nagtatambol na wala namang kawawaan ang tunog. Iba’t ibang paraan ng pamamalimos ang ginagawa sa kalye ngayon.

Ang nakababahala ay ang ginagawang pagtalon ng ilang batang namamalimos sa dyipni at pagbagsak ay nasasagasaan sila ng kasunod na sasakyan. Kagaya ng nangyari sa isang batang babae na sumampa sa bus sa may North EDSA kamakailan. Pagkatapos manghingi ng limos ay bigla siyang tumalon mula sa bus na tumatakbo. Tumama ang ulo ng bata sa gutter. Patay!

Ganito rin ang maaaring mangyari sa mga batang namamalimos sa mga dyipni. Mayroong bigla na lamang tumatalon at masama ang bagsak at nasasagasaan pa.

Mayroon namang basta na lamang tumatawid kaya nahahagip ng mga nagdaraang sasakyan. Wala na silang pakialam kaya basta na lamang tumatawid. Ang ibang mga bata kaya wala sa loob ang pagtawid ay sapagkat lasing sa sininghot na rugby.

Ang pagkilos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagdagsa ng mga namamalimos ngayong panahon ng Kapaskuhan ay dapat bigyang pansin. Pagdadamputin ang mga bata at matandang namamalimos. Kung hindi sila huhulihin, aakalain nilang tama ang kanilang ginagawa. Hindi nila alam na hindi lang buhay nila ang nasa panganib kundi pati ang motorista. Simulan nang walisin ang mga namamalimos bago pa dumami at lumala ang sitwasyon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GANITO

KAGAYA

KAPASKUHAN

MAYROON

MAYROONG

NAMAMALIMOS

PAGDADAMPUTIN

PAGKATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with