^

Punto Mo

Manong Wen (97)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BIGLANG nagkubli si Jo nang maramdaman na nakahalata sina Princess at Precious na may sumusunod sa kanila. Pinalayo muna niya ang magkapatid at saka siya sumunod. Hindi pa siya handang lumantad sa dalawa. Gusto niya, may mangyari muna sa ginagawa niyang pagmamanman. Ngayong alam na niyang ang grupo ni Chester ang may masamang balak sa magkapatid, gusto niyang maputol ang balak. Kailangang maipakita niya sa Chester na iyon na may nagtatanggol kina Princess. Hindi siya papayag na may masamang mangyari sa magkapatid. Kahit anong mangyari, ipagtatanggol niya ang dalawa. Gusto niyang makaharap si Chester. Gusto rin niyang malaman kung ano ang balak ni Chester sa magkapatid. Bakit ang mga ito ang gusto niyang gawaan ng masama.

Kapag nakaharap niya si Chester, tuturuan niya ito ng leksiyon. Ipalalasap niya rito ang hindi pa natitikman. Humanda ka Chester!

Sinundan niya magkapatid. Narating ang school nina Precious. Nang maihatid ni Princess ang kapatid ay nagderetso na ito sa kanyang school. Bago pumasok si Princess sa school ay luminga-linga muna ito at nang matiyak na walang nag-aabang sa kanya ay pumasok na gate.

Naghintay muli si Jo sa labas --- dun sa dating pinuwestuhan niya noong isang araw. Wala naman siyang nakitang mga lalaki na nag-aabang. Nag-abang si Jo hanggang lumabas si Princess nang alas-singko ng hapon. Wala siyang napansin na kakaiba. Walang mga nag-aabang kay Princess.

ISANG araw, pumalya ng pagbabantay si Jo sa mag­kapatid. Hindi siya nakabangon nang maaga para magbantay. Masama ang pakiramdamam niya.

Pero hindi nakatiis si Jo at nagtungo rin sa bahay nina Princess dakong alas-diyes ng umaga.

Pagdating niya ay tila walang tao. Tahimik na tahimik.

Nakapasok siya sa loob ng bahay. Nagtataka siya. Nasaan kaya si Princess?

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

CHESTER

HUMANDA

IPALALASAP

ITUTULOY

KAHIT

NIYA

PRINCESS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with