^

Punto Mo

Manong Wen (90)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MALAKI ang hinala ni Jo na ang dalawang la­la­king nakaabang sa may exit ng school ni Princess ay mga tauhan ni Chester. Malikot ang mga mata ng dalawa. Parang may inaabangan sa mga estudyanteng lalabas. Naka-jacket pareho ang mga lalaki. At sa hula ni Jo, may baril ang dalawa. Nakatago sa ilalim ng jacket. Nag-uusap ang dalawa.

Kumilos si Jo. Kaila­ngang makalapit siya sa dalawa para mapakinggan ang pinag-uusapan­. Hindi siya magpapahalata.

Dahan-dahan siyang lumapit na kunwari’y may hinihintay din sa paglabas.

Nakalapit siya sa dalawa. Mga limang metro marahil ang layo niya sa dalawa. Nakatayo ang mga lalaki. Umupo naman si Jo sa isang bangkong konkreto. Dinukot niya ang cell phone na kunwari ay nagti-text pero nakatayo ang mga taynga niya sa pinag-uusapan ng dalawa.

‘‘Anong oras daw ang labas ng inaabangan natin, Maxie?’’ tanong ng isa sa mga lalaki sa kasama.

‘‘Alas-singko raw, Bart. Huwag daw tayong aalis dito hangga’t hindi natin nakikita ang target.’’

‘‘Alas-kuwatro medya na, Maxie. Kalahating oras pa ta­yong maghihintay.’’

“Malapit na yun, Bart. K­aunting tiis na lang. Kapag nagawa natin ang utos, tipak na naman tayo.’’

“Ano bang gagawin natin, Maxie?’’

“Paglumabas ang target natin, susundan. Sumasakay daw yan sa traysikel. Susundan natin at saka alam mo na ang gagawin. Nakuha mo ba Bart?’’

‘‘E bakit pa natin pasasaka­yin sa traysikel, Maxie. Dakmain na natin at saka ikarga sa van.’’

‘‘Ugok ka pala e! Kita mong ang daming estudyante. Deli­kado tayo. Gamitin mong utak mo Bart. Kaya ka nabibigwasan ni Bossing dahil sa kaengutan mo.’’

“Nagsa-suggest lang ako Maxie. Ikaw naman masyadong hot. Parang ikaw na lang ang matalino.’’

“Basta ganun ang gagawin natin. Paglumabas ang target, susundan natin habang sakay tayo ng van. Kapag ang sinakyang traysikel ay nasa liblib na, i-overtake mong van at saka natin dadakmain. Pag pumalag ang traysikel drayber, upakan mo. Barilin mo! Baka mamukhaan pa tayo! Okey Bart?’’

“Sinabi mo e! Ikaw lang naman ang sinusunod ko, Maxie.’’

Malinaw na malinaw na napakinggan ni Jo ang balak ng dalawa at kahit hindi nagbabanggit ng pangalan ang dalawa, tiyak niyang si Princess ang pinag-uusapan ng dalawa.

Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa.

“Paano nga pala natin makikilala ang target, Maxie?’’

“Madali lang. May dala akong photo niya. Eto o!’’

(Itutuloy) 

vuukle comment

DALAWA

IKAW

KAPAG

MAXIE

NATIN

OKEY BART

PAGLUMABAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with