^

Punto Mo

‘Batang Hamog’ sa lansangan, aksiyunan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MATINDI na raw ang  ginagawang  pagsalakay ng grupo ng mga ‘batang hamog’ sa mga binibiktima nilang motorista sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Marami tayong natatanggap na sumbong ukol dito.

Bakit daw tila walang pakialam ang DSWD dahil sa patuloy itong dumarami sa lansangan at patuloy ang pamemerwisyo.

Aba’y harapan at talamak na talaga ang pag atake ng mga kabataang ito na nangungulbat ng mga gamit sa mga sasakyan, lalu na yung naiipit sa trapik.

Walang takot, na madalas pa nga eh may bitbit na plastic na may solvent at kontodo singhot.

Kadalasang makikita ang pag atake ng mga pasaway na mga kabataang ito dyan sa may Balintawak. Madalas na binibiktima ng mga ito ay yaong mga truck at van na may kargang mga paninda.

Maging sa may Port Area sa Maynila, yung mga sasakyan naman na galing Divisoria at namili ng mga paninda, yan ang inaabangan ng mga ’yan.

Sa gawi ng Pasay, ang tinatarget ng mga pasaway ay yung galing naman sa airport.

Maging sa ilang lugar sa kahabaan ng EDSA, tumi­tiyempo rin sa pag-atake ang mga yan.

Dapat itong matingnan ng DSWD at hindi dapat iasa na lang sa pulisya ang panghuhuli.

Ang siste kasi kahit mahuli hindi naman pwedeng ikulong dahil menor de edad, kaya ita - turn over sa DSWD. Pagdating sa kanila madalas daw doon tatakas ang mga ito. Ayun babalik na naman sa nakasanayan.

Marapat lang na ngayon pa lang masagip na ng mga ito , dahil pagdating ng araw mas lalo itong magiging problema sa lipunan.

vuukle comment

AYUN

BAKIT

BALINTAWAK

DAPAT

DIVISORIA

KADALASANG

METRO MANILA

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with