^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga bulok na barko h’wag nang pagkakitaan!

Pang-masa

WALO ang namatay sa lumubog na MV Mahar­lika 2 sa Southern Leyte noong Sabado ng gabi. Nasagip ang 110 pasahero at mayroon pang isang nawawala. Ayon sa report, tumigil ang makina ng barko nang hampasin ng hangin at malalaking alon. Kasunod ay tumagilid hanggang sa unti-unting lamunin ng dagat. Nagtalunan ang mga pasahero. Nasagip sila ng isang barkong dumadaan. Akala nang mga pasahero, katapusan na nila. Sabi ng Coast Guard, pinayagang makapaglayag ang barko sapagkat wala namang signal ng bagyo. Galing ng Surigao ang barko at patungong Southern Leyte.

Iniimbestigahan na ng Maritime Industry Authority­ (MARINA) sa Caraga Region ang paglubog ng Mahar­lika. Isa sa tinututukan nila ay ang iba’t ibang dekla­rasyon sa tunay na dami ng pasahero ng barko. Ang nakasaad sa official manifest ng barko ay 58 pasahero lamang subalit lumalabas na 119 na pasahero lahat ang nasa barko makaraang lumubog. Nagtataka ang MARINA kung ano ang totoo. Isa pang violation ay ang hindi umano pagrereport ng kapitan ng barko ukol sa nangyaring incident. Aalamin din ng MARINA kung totoong expired na ang lisensiya ng kapitan ng barko.

Basta’t may lumubog na barko, ang kasunod ay ang pag-iimbestiga ng Marina o ng Philippine Coast Guard. Karaniwan na lamang ang ganito sa bansang ito.  Kung kailan may nangyari nang trahedya saka magkakaroon ng pag-iimbestiga at saka ipatutupad ang paghihigpit. Marami nang lumubog na barko sa bansang ito pero marami pa rin sa mga opisyal ng mga nakasasakop na tanggapan ang natutulog sa pansitan. Bakit ba hindi magsagawa ng regular na pagsisiyasat kung ang mga barkong bumibiyahe ay may kakayahan pang magyaot o dapat nang ibasura dahil bulok.

Ang Maharlika umano ay 30-anyos na. Matanda na ito. Pupugak-pugak na. Wala nang ibubuga kaya dapat nang ibasura. Pero dahil pinagkakakitaan, sige pa. At pinapayagan naman ng mga corrupt na opisyal ng tanggapan. Pera-pera lang ba? Huwag nang pa­yagang magyaot ang mga barkong bulok!

vuukle comment

ANG MAHARLIKA

BARKO

CARAGA REGION

COAST GUARD

ISA

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

NANG

SOUTHERN LEYTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with