^

Punto Mo

Laki sa UK, iniligtas ng alagang kuneho sa pagka-comatose!

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa United Kingdom ang lubos na nagpapasalamat sa kanyang alagang kuneho na nag­ligtas sa kanya mula sa pagkaka-comatose dulot ng kanyang sakit na diabetes.

Ayon kay Simon Stegall, 42,  bigla na lang siyang nawalan ng malay habang namamahinga sa sofa sa salas ng kanyang tahanan. Walang nakapansin sa pagkawala ng kanyang malay dahil para lang siyang umiidlip sa sofa. Ngunit delikado na pala ang kalagayan ni Simon nang mga sandaling iyon dahil na-comatose na pala siya at maari niyang ikamatay kung hindi agad siya mabibigyan ng atensyong medikal.

Mabuti na lamang at biglang sumampa sa kanyang dibdib ang alagang kuneho na si Dory. Pagsampa sa dibdib ay nagtatalon ito. Pagkatapos magtatalon ay hini­muran ang kanyang dibdib.

Napansin ni Victoria, asawa ni Simon ang kakaibang ikinikilos ng kuneho kaya nilapitan niya ito. Noon niya nalaman na hindi lamang pala umiidlip ang kanyang asawa. Malaki kasing kuneho si Dory kaya dapat, magigising ang sinumang sampahan nito. Napagtanto ni Victoria na masama ang lagay ng kanyang asawa. Agad siyang tumawag ng ambulansiya kaya nabigyan kaagad ng tulong na medikal si Simon bago nahuli ang lahat. Tinurukan si Simon ng gamot na nagbalik sa kanyang malay at nailigtas siya sa kamatayan.

Ayon sa mga beterinaryo, marami na ang mga kuwento kung saan iniligtas ng mga alagang aso at pusa ang kanilang amo na na-comatose pero ito pa lamang ang unang kaso na may kinalaman sa kuneho.

Dahil sa pagliligtas sa kanyang amo, naging sikat si Dory at naging tampok sa iba’t ibang pahayagan at programang pantelebisyon.

vuukle comment

AYON

DAHIL

KANYANG

MALAKI

NAPAGTANTO

NAPANSIN

NGUNIT

SIMON STEGALL

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with