^

Punto Mo

Orasyon

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ADVANTAGE din ang mapaniwalain sa orasyong Latin. Nagisnan ko na sa aking ina na mahilig magpaskil ng papel sa sulok ng aming bahay na may nakasulat na orasyon. Proteksiyon daw iyon sa sunog, magnanakaw at masamang espiritu. May ikinuwento pa siya sa akin na pruwebang mabisa ang orasyon na ginagamit namin. Ang ninang ko ay may dental clinic sa bandang Quiapo noong 60s. Nagkasunog sa paligid ng kanyang klinika. Hindi man lang daw nadilaan ng apoy ang klinika niya samantalang natupok ang lahat ng shop na nakapaligid dito. Ibinigay daw ang orasyong Latin ng ma­tandang magdadasal na suki ng aking ina. Nang manirahan sa Amerika, bitbit pa rin ng aking ninang ang orasyon na ibinigay ng aking ina.

Pagkaraang manalasa ang bagyong Glenda sa Laguna, ako’y tumawag sa aking mga kamag-anak para kumustahin kung nakadikit pa rin ang bubong ng aming bahay. Base sa mga nai-post na litrato sa Facebook ng aking mga kababayan, karamihan sa mga bahay na sinira ni Glenda ay bubong ang nasira o nailipad ng hangin.

Okey po, buo pa po ang bahay ninyo, sagot ng aking apo sa pamangkin. Nakahinga ako nang maluwag. Pero kinabukasan, ikalawang araw matapos maibalik ang  kuryente, nagpadala ito sa akin ng mensahe na nag-apoy daw ang kable ng kuryente na nakakonekta sa labas ng aming bahay. Nangyari ito ng mada­ling araw. Nagkataong may gising pang tao sa katapat naming bahay. Siya ang nakapansin na parang may lusis na umiilaw sa kable. Nagkagulo na. Tumawag ng Meralco o electrician at pinutol ang kable para hindi gumapang ang apoy patungo sa loob ng aming bahay.

Kahimbingan ng pagtulog ang oras nang masunog ang kable. Masuwerte at may gising pang tao at napadungaw sa kanyang bintana. Nailigtas ng taong iyon ang aming bahay sa pagkasunog. Mabuti na lang at bukod sa madasalin ang aking ina, may magic siyang idinikit sa loob ng aming bahay.

 

vuukle comment

AKING

AMERIKA

AMING

BAHAY

FACEBOOK

GLENDA

IBINIGAY

KAHIMBINGAN

MASUWERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with