^

Punto Mo

Tanggalin ang barangay elections

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NATAPOS na rin ang ba­rangay elections pero patuloy pa rin ang mga sinasabing karahasan na nauwi sa krimen.

Malaking halaga rin ang nagastos ng gobyerno mula sa salapi ng taumbayan sa idi­naos na eleksiyon. Halos lahat ng resources ng gobyerno ay gumalaw dito lalo na ang pagmamantina ng peace and order.

Panahon na upang pag-aralan ng Kongreso at Ehekutibo na alisin na ang eleksiyon sa barangay tulad ng pagnanais sa Sangguniang Kabataan.

Sa totoo lang, halos lahat ng barangay officials ay sumi-sipsip sa mga incumbent na pulitiko --- mayor, kongresista at gobernador para matiyak na hindi sila “gutom” sa puwesto.

Halimbawa, ang kagawad ng barangay ay kailangang sumipsip o dumikit sa kanilang chairman dahil kung hindi ay walang mangyayari sa kanilang puwesto. Ang barangay chairman naman ay didikit din sa mayor, congressman at go-vernor upang  matiyak na siya ay mabibiyayaan ng pondo para sa kanilang barangay at makatiyak na muling mahahalal sa susunod na eleksiyon.

Ang mga incumbent na mayor, congressman at gobernador ay nag-aalaga rin ng mga opisyal ng barangay dahil ang mga ito rin ay may malaking maitutulong sa kanila sa pagkandidato sa eleksiyon.

Kung talagang ganito ang sistema ay bakit kailangan pang magdaos ng eleksiyon sa barangay sa halip na ibigay na lang ang kapangyarihan sa mga mayor na mag-appoint ng bara-ngay officials.

Baguhin na sana ang batas at hayaan na lamang na ang mayor ang mag-appoint ng barangay officials upang makatuwang na rin ng mga ito sa pagsasaayos ng kanilang siyudad o munisipalidad at magamit sa pagresolba sa mga problema sa mismong mga barangay.

Gagawin lang na co-terminus ang barangay officials na kapag nawala na sa puwesto ang mayor na nag-appoint sa kanila ay tapos na rin ang panunungkulan. Sa ganitong sistema ay malaki ang maititipid ng gobyerno sa pondo ng bayan at maiiwasan na rin ang mga karahasang dulot ng pulitika sa barangay.

Umaasa ako na magkakaroon ng masusing pag-aaral ang gobyerno sa usaping ito na inaasahan natin na makakabuti ito para sa interes ng buong  bansa.

vuukle comment

BAGUHIN

BARANGAY

EHEKUTIBO

GAGAWIN

HALIMBAWA

KONGRESO

RIN

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with