^

Punto Mo

Mga ‘malulupit’ na katanungan …ng tactless na matatanda

DIKLAP - Pang-masa

ANG mga kamag-anak kong single ay pagod na pagod na sa katatanong ng matatanda kung kailan sila mag-aasawa. Hindi lang pagod, pikon na pikon na sila. Mga diwarang matatanda (mahilig mangantiyaw)  ang kadalasang mahilig “mandalirot” ng ganitong topic. Siguro bahagi na iyon ng kultura sa aming bayan. Ugaling nakasanayan na ng mga tao lalo na ng matatanda. Hindi nila alam na unethical na ngayon ang ganoong pag-uugali. Kapag pinagsabihan mo, sila pa ang may ganang magtampo at sasabihan ka na walang modo sa matatanda.

Natatawa ako sa obserbasyon ng aking anak tuwing uuwi kami sa probinsiya. Comment niya: Bakit karamihan sa mga tao doon sa inyo mga tactless mambati ng kakilala? Ganito kasi ang mga natatanggap nilang bati mula sa aming kamag-anak:

Dambuhala ka yata ngayon.

Dambuhala agad? Hindi ba puwedeng, tabatsoy muna?

May girlfriend ka na ? Kapag yes ang sagot. May follow up question na: Taga saan?

May matatanda pa rin sa amin na may “regionalistic” mentality, kaya mahilig magtanong kung taga-saan ang manliligaw o nililigawan. May sinauna silang paniniwala na  ang mga Tagalog ay compatible lang  sa kapwa Tagalog.

Kung walang girlfriend, isang malutong na Ay, bakit? ang kasunod na tanong. Para bang isang malaking kakulangan sa pagkalalaki kung walang lovelife.

Saan ka nag-aaral ? Anong kurso mo ? Kailan ka ga-graduate ?

Okey lang itanong kung saan ako nag-aaral at ano ang kurso. Pero, ano namang paki nila kung kailan ako ga-graduate. Bakit, bibigyan ba nila ako ng trabaho after graduation?

Sabi ulit ng aking anak: Nananahimik sana ang aking kalooban at intact na intact sana ang aking self-esteem, pero dahil sa tactless na pang-uurirat ng matatanda bigla tuloy akong napapaisip—Dambuhala na ba talaga ako? Bakit wala akong girlfriend? Paano kung hindi ako maka-graduate sa sinabi kong petsa.

Upang maiwasan ang mga ganitong “annoying situations”, hindi na lang sila sumasama tuwing umuuwi kaming mag-asawa sa probinsiya. ‘Yun din mga kamag-anak kong singles, natatamad nang umatend sa family event lalo na kung wedding occasion.

 

vuukle comment

AKO

ANONG

BAKIT

DAMBUHALA

GANITO

KAILAN

KAPAG

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with