^

Punto Mo

Lampong(109)

Pang-masa

DALAWANG gabi lang natulog si Puri sa apartment ni Dick. Hindi matiis na hayaan si Jinky sa unit. Isa pa, nag-aalala si Puri na baka may makapasok sa kanyang unit. Paano raw kung maiwang bukas ang pinto? Mali­limas ang mga gamit niya na matagal niyang pinag-ipunang bilhin.

“Ikaw na lang ang pumunta sa unit ko, Dick.’’

“Kaso hindi ako kampante sa unit mo. Baka naroon ang kalandian ni Jinky.’’

“E ano naman? Bahay ko yata yun.’’

“Sabi ko naman dito ka na sa apartment ko. Mas masarap dito. Solo natin.’’

“Delikado ngang iwan ang unit ko. Maraming akyat-bahay ngayon. Ikaw na lang ang pumunta ha, Dick.’’

“Ano pa nga ba ang maga­gawa ko.’’

“Siyanga pala, may dadaluhan akong seminar sa Cagayan de Oro. Baka dalawang araw akong mawala. Puwedeng pakitingnan mo lang ang unit ko ha.’’

“Akala ko ba natatakot kang iwan ang unit mo.’’

“Oo nga pero hindi ko maaaring palampasin ang seminar. Kasi kailangan ito para ma-promote ako. Dalawang araw lang naman.’’

“Sige akong bahala. Basta­ pagdating mo, dito ka sa apartment ko matutulog.’’

“Oo. Promise.’’

Makalipas ang isang linggo, nagpaalam na si Puri kay Dick para magtungo sa Cagayan de Oro.

“Yung bilin ko Dick, baka malimutan mo.’’

“Okey. Ako nang bahala sa unit mo.’’

Pero bago pa nabisita ni Dick ang unit ni Puri, eto na si Jinky at ang baby niya, kasama ang yaya.

“Tito Dick, dito muna si Michelle ha pati si Manang. Kasi paparating si Mama ngayon. Baka makita ang anak ko.’’

Natigilan si Dick. Siya pala ang kakargo sa problema ni Jinky.

“Sige, okey lang, Jinky.”

“Thanks Tito.’’

Napansin ni Dick na seksing-seksi si Jinky. Parang masayang-masaya ito.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DICK

IKAW

JINKY

KASI

OO

ORO

SIGE

UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with