^

Punto Mo

7 Pagkakamali …na nagagawa ng magulang sa kanilang anak.

DIKLAP - Pang-masa

SIMPLE lang ang formula ko sa pagpapalaki ng aking mga anak—Hindi ko ginagawa sa kanila ang ginawa sa akin ng mga magulang ko na nagdulot ng negatibong epekto sa aking pagkatao. Gusto ko kasing ma-enjoy ang pagiging ina. At the same time, gusto kong maging komportable ang aking mga anak sa relasyon naming mag-iina. Bigyang daan natin ang sinasabing 7 kamaliang nagagawa ng ibang magulang sa kanilang anak base sa point of view ng mga child psychologists:

1. Nagger. Ina ang madalas maging guilty dito.

2. Mahilig magdayalog ng “Basta’t sundin mo, dahil iyon ang gusto ko”. Ipaliwanag kung bakit kailangan niyang sundin ang iniuutos mo. Di ba’t naka­kawalang ganang gawin ang isang bagay kung walang dahilan? Ano, robot, na basta na lang susunod?

3. Hindi pinapansin ang anak kapag busy sa trabaho. Para hindi maging guilty sa ganitong kamalian, gawing mantra for life ang mga katagang ito: Ang mga anak ko ang aking number one priority!

4. Minamaliit ang talino ng anak porke bata pa siya. Tandaan mo, sa sobrang moderno ng mundo ngayon, minsan mas smart pa ang mga anak kaysa magulang nila. At saka paano siya magtitiwala sa kanyang sarili kung ikaw mismong magulang niya ang walang bilib sa kanya. Kadalasan, mga anak ang nagtuturo sa kanilang parents kung paano mag-operate ng computer, kung paano mag-open ng account sa twitter at kung ano-anong high tech gadget.

5. Madaldal. Ang kaya lang tandaan ng average human brain ay 5 to 9 items at a time. Kaya hindi tamang sabihan ang bata ng: “Hindi ka na nakatanda sa aking mga ipinapangaral sa iyo”. Sa sobrang dami ng mga sinasabi, walang matandaan ang bata, isama pa dito na may kasamang pagtataray ang boses ng nanay o tatay.

6. Kinukunsensiya ang bata para sumunod ito. “Hala, pupunta ka sa im­piyerno kapag hindi ka sumunod. Kasi magagalit si Jesus sa iyo”. Hindi pa ganoon kalalim ang kanilang pang-unawa kaya sa halip na magbunga ito ng kabutihan, magiging “horror” ang pagtingin niya sa relihiyon.

7. Pinagbabantaan ang bata kapag hindi sumunod. Ang objective natin ay magpalaki ng batang masunurin na ginagamit ang common sense at hindi  batang  sumusunod sa iyo dahil natatakot na parusahan siya.

vuukle comment

ANAK

ANO

BIGYANG

INA

IPALIWANAG

KADALASAN

KASI

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with