^

PSN Showbiz

Agawan nina Lovi at Erich lumalaban sa Black Panther

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Agawan nina Lovi at Erich lumalaban sa Black Panther

Aga, Luigi, at Janice

Aga payag na makapartner uli si Janice

PIK: Ayon sa Cineko Productions, umabot ng mahigit P4-M ang first day earnings ng pelikulang The Significant Other na nagbukas na sa mahigit 160 theaters.

Inaasahang tataas pa ang pinagbibidahang pelikula nina Lovi Poe, Erich Gonzales, at Tom Rodriguez sa darating na weekend, dahil maganda ang feedback at pang-weekend at panggabi kasi ang audience ng naturang pelikula.

Kahit napakalakas ng foreign movie na The Black Panther na mahigit P200-M na raw ang kinita, meron pa rin namang audience ang local films dahil nababawi naman nila ang inilabas na pera.

Kagaya ng Meet Me at St. Gallen na nasa pangat­long linggo na, naka P65-M na raw ito. Ang Sin Island naman na nasa pangalawang linggo na, P24-M na raw ang kinita nito at ang katapat na My Fairy Tail Love Story ay halos P15-M na rin ang kinita.

Hindi nga niya kayang tapatan ang Black Panther, pero puwede na!

PAK: Natatawa na lang sina Aga Muhlach at Janice de Belen nang magkita sila sa opening ng restaurant ng anak nilang si Luigi sa may Greenbelt, Makati.

Nauuso na kasi ngayon ang pagbabalik-loveteam kagaya ng kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, posible kayang magsama rin sila sa isang project?

“Bakit naman hindi? Hindi naman kami magkaaway,” mabilis na sagot ni Aga. Agree naman si Janice.

Pero nang tinanong kung puwede rin silang magsama sa isang commercial na katapat ng kina Sharon at Gabby. Tawa na lang sila nang tawa at kunwari nag-walk out.

Sina Aga at Charlene Gonzales naman kasi ang magkasama sa commercial na katapat ng kina Sharon at Gabby.

In all fairness naman kay Charlene, nandun din siya sa event ni Luigi para suportahan ito. Kaya nakikita talaga sa mukha ni Luigi na sobrang saya niya dahil nakumpleto sila sa malaking event na iyon sa buhay niya.

BOOM: Nalungkot at nanghinayang kami sa pagkawala ng malaking project sa kilala at maga­ling na young actress.

Siya talaga ang gustong isama ng kilala at kontrobersyal na female celebrity sa malaking film project. Pero hindi na itinuloy dahil sa demand ng network na nagha-handle sa kanya.

Ang gusto raw ng network, kung talagang kuku­nin nga nila ang magaling na young actress, dapat ay ibigay daw sa kanila ang TV rights. Eh hindi pa naman daw umabot sa ganung pag-uusap ang tungkol sa TV rights kaya hindi pa sila makapag-commit.

Pero ini-insist ng network na sa kanila ang TV rights kaya hindi na lang itinuloy.

Isa ring kilala na young actress mula sa katapat na network ang kinuha at madali lang daw ang pag-uusap. Walang idini-demand na TV rights.

Lumipad ang magandang pagkakataon sa ma­galing na young actress na lagi pa namang gina­gaya sa show niya ang kilala at kontrobersyal na female celebrity. Bagay na bagay sana talaga sila. Nakakapanghinayang!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with