^

PSN Showbiz

Robin gustong manapak nang marinig ang pangalan ni Aljur!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Robin gustong manapak  nang marinig ang pangalan ni Aljur!

Sumiklab ang bagsik

Mabagsik pa rin ang dugo ni Robin Padilla kay Aljur Abrenica.

May nagtanong kahapon sa actor sa presscon para sa renewal of contract niya sa Bravo food supplement for men kung bibigyan niya ba ang partner ng anak niyang si Kylie ng nasabing food supplement for men na hindi lang basta pampapabuhay ng pagkalalaki kundi puwede ring pampapasigla, pero negative ang sagot niya at nagbanta na mananapak.

Pero nagbanta ang aktor nang kakaunti na ang mga reporter at nakalayas na ang nagtanong tungkol kay Aljur.

Anyway, isang taon pa lang sa market ang Bravo pero super bravo na pala ang ingay nito sa market at natabunan na nito ang kanilang mga kalaban.

Bagay kay Robin and Rommel Padilla ang nasabing produkto dahil kilala sila na arangkada at walang palya sa kanilang pagiging tigasin.

Si Robin nga aminadong pagdating sa misis niyang si Mariel Rodriguez, todo ang kaligayahan nila.

Si Daniel Padilla ang susunod na ilulunsad ng Bravo bilang endorser ng kanilang energy drink.

Janella gumaling sa alaga ni Elmo

Kahit na ilang araw na magkasama sa Boracay sina Elmo Magalona at Janella Salvador para sa kasal nina Maxene Magalona at Rob Mananquil at kahit pa naging caregiver ng young actress si Elmo nang kapitan ito ng viral infection, consistent ang magka-loveteam na bida sa Valentine offering ng Regal Films na My Fairy Tail Love Story na wala silang formal na relationship. Andun pa sila sa getting to know at willing maghintay ang actor kung kailan sila puwedeng magkaroon ng relasyon.

Yup, you read it right, hindi pa officially ‘on’ thing.

Common knowledge ang pagkontra ng nanay ni Janella sa actor. Pero ayon kay Elmo willing naman siyang maghintay kung kailan ready si Janella.

Tungkol naman sa sinasabing pag-gatecrash niya sa reunion ng pamilya ng ka-loveteam, kinorek niya na invited siya ni Janella kaya hindi siya gatecrasher.

Ang young actress naman ay first time raw nakaramdam ng pag-aalaga ng isang lalaki. And thankful siya dahil malaki umano ang naitulong nito para mas mabilis siyang gumaling sa kanyang karamdaman.

“And I can say na I’m really thankful that he’s around. Ang laki rin ng naitulong niya noong may sakit ako. He kept me positive about it.”

Rated G ng Movie and Television Review ang Classification Board (MTRCB) ang My Fairy Tail Love Story na maganda ang feedback ng trailer.

Jc may bagong ipakikita sa debut album

 May debut album na rin ang magaling na aktor na si JC Santos.

Sa theater nagsimula si JC, hanggang nabigyan ng break sa TV at magagandang pelikula na ang isa nga ay kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan, ang Mr. & Mrs. Cruz with Ryza Cenon. Ang galing ni JC sa nasabing pelikula. Pero mas tumatak sa manonood ang pelikulang 100 Tula Para kay Stella na ipinalabas last year sa ginanap na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Ka-partner niya sa 100 Tula... si Bela Padilla. Pwede Naman ang unang single para sa kanyang self-titled debut album na magkakaroon ng launching sa February 18 sa Robinsons Place Manila.

Kasama si JC sa mga bagong artist ng Star Music na nagkaroon ng press laun­ching kahapon ng debut album sa music arm ng ABS-CBN.

With JC ay ang bandang Agsunta, acoustic singer Migz Haleco, singing duo Miko and Gab at ang Filipino-Japanese artist Natsumi Saito.

Ang Agsunta ay sikat sa online pero ngayon lang sila magkakaroon ng debut album with acoustic and melodic rock tunes at carrier single nila ang Di Ba Halata. Binubuo ang grupo nina Jireh Singson, Mikel Arevalo, Josh Planas and Stephen Arevalo. The group has several viral video sa YouTube and Facebook.

Sina Miko and Gabriel Umali naman ay ang nasa likod ng sikat na kantang Hugot. Naging contestants sila sa Pinoy Boyband Superstar nung 2016, naging magkaibigan at nadiskubreng maganda ang blend ng boses nila ‘pag magkasama. Sila ay mina-manage ng grupo ni Tito Boy Abunda na Asian Artists Agency.

Si Migz naman ay dati na sa Star Music. Pero duo pa sila noon ng singer na si Maya na nabuntis nga ni Geoff Eigenmann. Kasalukuyan siyang nagpapakilala ng kanyang bagong single na Pag Ika’y Nagmahal bilang solo artist. Kasalukuyan din siyang bahagi ng ASAP Jambayan.

Inilunsad na rin si Natsumi, isang dating contestant ng The Voice Kids Season 1 mula sa Camp Kawayan, ng kanyang self-titled album na may anim na kanta. Inilabas ito last October na ang carrier single ay Para Lang Sa’yo.

Magiging available rin sa Japan ang nasabing album ni Natsumi.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with