^

PSN Showbiz

Anne ibang-iba sa action movie!

Pilipino Star Ngayon

Showing na pala sa February 28 ang Buy Bust, ang action movie ng Viva Films at Reality Entertainment na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Ibang-iba na Anne ang mapapanood sa pelikula ng direktor na si Erik Matti dahil maaksyon na maaksyon ang mga eksena niya.

Matagal na pinaghandaan ni Anne ang role niya sa Buy Bust dahil sumabak siya sa matitindi na martial arts training bago nagsimula ang shooting.

Nagbunga ng maganda ang mga pagdurusa ni Anne dahil credible siya na action star sa kanyang mga eksena sa Buy Bust.

Sa trailer pa lang ng action thriller movie ni Anne, maipagmamalaki niya na hindi siya nagkamali sa desisyon na tanggapin ang Buy Bust.

Ruru pressured NA sa pagiging detective

Kagabi ang grand presscon ng Sherlock, Jr. ang primetime teleserye ng GMA 7 na mag-uumpisa sa January 29.

Starring sa Sherlock, Jr. ang loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Natural lang na makaramdam ng pressure sina Ruru at Gabbi dahil nakasalalay sa kanila ang success ng bagong television show ng Kapuso Network.

Mas matindi ang pressure kay Ruru dahil siya ang title role at ang Sherlock, Jr. ang biggest television assignment niya sa kanyang mother studio.

Sa title pa lang, malinaw na may pagka-detective ang role ni Ruru dahil siya ang lulutas ng mga problema na makakaharap ng karakter niya.

Hindi lamang sina Ruru at Gabbi ang stars ng Sherlock, Jr. dahil kasama rin sa cast sina AiAi delas Alas at Andre Paras.

Nagkatrabaho na sina AiAi, Gabbi at Ruru sa Let The Love Begin, ang primetime teleserye ng GMA 7 noong 2015 kaya gamay na gamay na nila ang isa’t isa.

Happy si AiAi dahil reunion project nila nina Ruru at Gabbi ang Sherlock. Mga anak-anakan ang turing ni AiAi kina Gabbi at Ruru na kasamahan din niya sa Sunday PinaSaya.

Simula sa January 29, from Monday to Sunday na mapapanood si AiAi sa GMA 7 dahil tatlo na ang regular program niya, ang Sherlock, Jr., Sunday PinaSaya, at ang Bossing & Ai.

Ryzza pang-inggit ang role sa Mr. & Mrs. Cruz

Kahapon ang special screening ng Mr. & Mrs. Cruz sa Platinum Cinema ng Gateway Mall.

Dumalo sa special screening ang direktor na si Sigrid Andrea Bernardo na nakakaramdam ng kaba dahil bukas na, January 24, ang showing ng pelikula niya na follow-up sa blockbuster movie na Kita Kita.

Umaasa si Sigrid na gaya ng Kita Kita, susuportahan ng moviegoers ang Mr. & Mrs. Cruz na first mainstream movie ni Ryza Cenon.

May reason para kabahan si Sigrid dahil masyadong mataas at malaki ang expectation sa bagong pelikula niya na siguradong ikukumpara sa Kita Kita, ang romantic comedy movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na kumita ng mahigit sa P300 million nang ipalabas ito sa mga sinehan noong July 2017.

In all fairness sa Mr. & Mrs. Cruz, positive ang mga feedback at pinupuri ng film critics ang pelikula nina JC Santos at Ryza.

Ang sabi ng mga nakapanood sa Mr. & Mrs. Cruz, maganda ang role ni Ryza na puwedeng kainggitan ng ibang mga aktres dahil bongga nga ang karakter na ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films.

Kung kontrabida si Ryza sa Ika-6 Na Utos, bidang-bida naman siya sa Mr. & Mrs. Cruz at talagang maipagmamalaki niya ang kanyang unang movie assignment sa Viva Films.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with