^

PSN Showbiz

Gerald gusto nang mag-asawa’t magkaanak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald gusto nang mag-asawa�t magkaanak

Gerald Anderson

Masayang-masaya ngayon ang relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Hanggang maaari ay ayaw nang ipaalam ng dalawa sa publiko ang bawat galaw nilang magkasintahan.

“We’re good, we’re happy. We’re just enjoying what we have. Isa sa mga dahilan siguro kung bakit hindi pinag-uusapan, siguro kasi we want it to be normal. Even by now hindi naman kami open na pag-usapan out there. So okay na ‘yon, saya, happy,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Magkasamang nagbakasyon sa Amerika ang da­lawa noong Kapaskuhan kaya maraming mga bagay ang nasubukan nilang gawin. “Ang saya, ang dami naming napuntahan, ang daming na-experience. We got to go skiing and pumunta kami ng New Orleans to experience new culture,” kuwento ni Gerald. 

Sa March ay magdiriwang na ang aktor ng kanyang ika-dalawampu’t siyam na kaarawan kaya ayon sa binata ay nakahanda na rin siyang lumagay sa tahimik. Matatandaang sinabi ni Gerald nang mag-guest sa Magandang Buhay na gusto na ring magkaroon ng anak ng aktor. “Ang ibig sabihin ko no’n siyempre sa edad ko ngayon as a man kahit paano naging mature, malapit na ako do’n. Hindi naman ako ‘yung teeny bopper na lumabas sa PBB (Pinoy Big Brother) or ‘yung 20 or 22 years old, so malapit na ako do’n. I am not saying na I am going to do this year, hindi. I’m just saying na mas malapit na ako do’n. ‘Pag naramdaman ko na, boom! Let’s see,” paliwanag ni Gerald.

Yassi ipinagtanggol si Nadine sa mga humusga!

Naibahagi ni Nadine Lustre sa amin sa Tonight with Boy Abunda ang lagay ng kanyang kalusugan na naging dahilan kaya naantala ang shooting ng bagong pelikula. Isa si Yassi Pressman sa pinakamalapit na kaibigan ni Nadine na labis na nag-alala nang mabalitaan ang pagkakasakit ng aktres.

“Nakita ko nga, nakamusta ko na. She said she’s going to get better, ‘yon lang. I don’t want to speak more. Wala ako sa place to answer that. Sorry,” naka­ngiting bungad ni Yassi.

Naapektuhan din ang dalaga sa pagkakasisi kay Nadine ng ilang netizens dahil sa pagkakaantala ng shooting ng bagong pelikula nila ni James Reid. “Siguro hindi naman sa lahat ng pagkakataon. Marami ring times na either may technical difficulty or either wardrobe malfunction, it depends. It might be fair to consider everything else that happens sa shoot,” pagtatanggol ni Yassi sa kaibigan.

Samantala, patuloy na sumisikat si Yassi lalo pa’t gabi-gabi siyang napapanood sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano bilang katambal ng bidang si Coco Martin. Sinisikap daw ng aktres na masuklian ang ginagawang pagsuporta ng mga tagahanga sa kanya. “I always remind myself kung saan ako galing, kung ano’ng gusto kong puntahan. That doesn’t mean you have to change who you are. One thing para sa akin ang pinaka-sincere na maibibigay mo ‘yung sarili mo. Kung sino ka talaga and if you want to share yourself with everyone, it’s better to share the real you,” paliwanag ng dalaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with