^

PSN Showbiz

Seven Sundays nasa SkyDirect

Pilipino Star Ngayon
Seven Sundays nasa SkyDirect

Piolo at Toni

MANILA, Philippines — May libreng pelikula mula sa Star Cinema sa SKY Pay-Per-View ang SKYdirect para sa mga subscriber nito hanggang Feb­ruary 2.

Ang mga prepaid subscriber na may 150, 250, o 450 na load at postpaid subscriber na nakapagbayad na ng bill ay magkakaroon ng libreng access sa Star Cinema movies na Last Night, ang reunion movie nina Pio­lo Pascual at Toni Gonzaga, maging ang family drama hit ng 2017, ang Seven Sundays.

Sundan ang kwento nina Carmina (Toni) at Mark (Piolo), dalawang nilalang na pinagtagpo sa panahon ng kawalan ng pag-asa sa kanilang buhay, sa pelikulang Last Night. Uusbong ang kanilang pagkakaibigan habang pinag-iisipan ang kabuluhan ng kanilang mga buhay at ang desisyong makakapagpabago sa lahat.

Samantala, isang kuwento na punung-puno ng puso ang ma­papanood sa Seven Sundays. Susubukan ni Manuel Bonifacio (Ro­naldo Valdez) na buuing muli ang kaniyang pamilya matapos ma-diagnose ng cancer. Isasantabi ng kanyang apat na anak (Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Christine Reyes) ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan para sa kanilang ama.

Magpunta sa www.mysky.com.ph/skydirectfreeppv para malaman kung paano makakakuha ng access sa mga pelikulang ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with