^

PSN Showbiz

Kris tiniis ang matinding sakit para magmukhang bata!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kris tiniis ang matinding sakit para magmukhang bata!

Korina at Kris

Natuloy ang TVC shoot ng new endorsements ni Kris Aquino noong Wednesday, Thursday at Friday dahil gumaling na siya sa kanyang sakit. Kahapon naman ay sumailalim si Kris sa Ultherapy procedure na tinawag niyang “pain contractual obligation.”

Super masakit daw ang procedure na ito at doble ang naramdaman niyang sakit dahil hindi siya puwedeng mag-take ng pain killers dahil allergic siya sa pain killers. Kaya titiisin niya ang five days recovery na torture sa kanya.

Ikinumpara ni Kris sa nabugbog na jaw ang Ultherapy na proseso pala ng skin lifting and tightening. Hanggang buto ang sakit dahil nga mata-tighten ang skin at 10 times deeper than Thermage raw ito, kaya super ang sakit na mararamdaman.

Hintayin natin ang magiging epekto ng Ultherapy kay Kris. Kung kagaya sa Thermage ang epekto nito, magkaroon kaya ng malaking pagbabago ang face ni Kris tulad ni Korina Sanchez?

Sofia pinayuhang ‘wag maging patola

Ang payo kay Sofia Andres ng kanyang fans, ‘wag nang patulan ang kanyang bashers at namnamin na lang ang ganda ng Mama’s Girl, ang good reviews sa movie at sa acting ng buong cast.

Graded A ng CEB ang movie. Ayon pa kay Dolly Ann Carvajal na isang CEB member, naalala niya sa movie ang inang si Inday Badiday. May hugot na naman kasi si Sofia tungkol sa patuloy na namba-bash sa kanya.

Anyway, wish nitong masundan pa ang paggawa niya ng movie sa Regal Entertainment. Ang alam ni Sofia, may movie rin siyang gagawin for Star Cine­ma.

Gusto pala namin ang theme song ng Mama’s Girl na With A Smile na original ng Eraserheads. Bumagay ito sa laging payo ni Sylvia Sanchez kay Sofia sa pelikula na laging ngumiti at ‘wag isipin ang problema.

Tom nilalayasan kapag science at math ang kinukuwento sa interview

Masaya si Tom Rodriguez sa role niya sa bagong teleserye ng GMA 7 na The Cure na kung saan, gaganap siyang laboratory technician. First time niya sa ganitong role at magagamit ang interest niya sa science. Kaya nang ma-interview at matanong sa kanyang role, ang ganda ng ngiti nito.

Ang hirap kayang interbyuhin ni Tom lalo na ‘pag napunta sa science at mathematics ang topic. Aywan kung napapansin nito, pero ‘pag ganu’n na ang usapan, isa-isang tumatayo ang mga reporter. Complete with drawing at explanation pa si Tom, pero ‘yun nga, isa-isang nawawala ang mga reporter.

Anyway, tungkol sa zombies daw at mala-The Walking Dead ang tema ng The Cure.

Sheena ayaw paapekto sa pagiging BI kay Maine

Maganda ang resulta ng guesting ni Sheena Halili sa Impostora bilang si Rafaela dahil extended ang labas ng karakter niya at hanggang sa ending ng afternoon prime, mapapanood pa siya. Nagustuhan ng viewers ang karakter niyang naka-maskara at sa ilalim ng maskara ang sunog na mukha ni Rosette (Kris Bernal).

Isa pang ikinatuwa ni Sheena, napatunayan niyang hindi lang siya pang mabait na karakter dahil sa Impostora, kontrabida siya.

Samantala, kahit na-bash dati ng ilang AlDub fans dahil bad influence raw sila ni Juancho Tri­vinio kay Maine Mendoza, tuloy ang friendship ng tatlo. Lumabas silang tatlo two weeks ago at nilinaw ni Sheena na ang boyfriend lang ang kasama nila, wala nang iba pa. Nagkita-kita rin sila noong birthday niya at nabanggit na forever na ang friendship nilang tatlo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with