^

PSN Showbiz

Direk Paul umaming takot kay Toni! ; Vice at Coco topgrossers ng MMFF!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Direk Paul umaming takot kay Toni!   ; Vice at Coco topgrossers ng MMFF!

Toni at Direk Paul

PIK: Ayon sa aming source, halos P10-M na raw ang kinita sa first day showing ng Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Binigyan pa ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ang movie pati ang Mama’s Girl ng Regal Multimedia kaya maganda ang pasok ng 2018 sa local films.

Pagkatapos naming napanood ang Dalawang Mrs. Reyes, masasabing ibang Judy Ann Santos ang nasa pelikula. Kaya tinanong namin ang isa sa mga producer na si direk Perci Intalan kung handa na ba ang mga movie going public, lalo na ang fans ni Judy Ann sa ganitong klaseng pelikula.

Ang isa sa malaking pagbabago kay Judy Ann ay lalo itong gumaling. Pero ang isa sa nakakaloka raw sa aktres ay ang walang tigil na pagtulo ng luha nito sa mga drama scenes.

Kuwento ni direk Perci; “Pinag-uusapan nga namin paano niya nagagawa yun?

“Kasi normally sa ibang artista, pipigil, tapos aakting uli? Dito si Juday dere-deretso ang eksena.

“Saka, napansin ko sa kanya, kapag nakita mo yung mga dramatic scenes niya, iba-iba ‘yung iyak. Hindi iisa ‘yung style.”

PAK: Agree si direk Paul Soriano sa sinabi ng asawa niyang si Toni Gonzaga na huwag na siyang idirek sa pelikula.

Meron pa lang magandang script si direk Paul na bagay daw sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, pero hindi nga raw siya ang magdidirek. ­Si­­­ya lang daw ang magpu-produce at aniya, mas mabu­ting iba na raw ang magdidirek.

“Husband and wife na kasi kami eh. Baka siya ang magdirek sa akin sa set.

“Iwas na lang ng conflict. Producer na lang ako,” nakangiting pahayag ni direk Paul.

Nilinaw ni direk Paul na all-out ang suporta ni Toni sa pelikula niyang Siargao, at dalawang beses na nga raw niya itong napanood.

Tuwang-tuwa rin si direk Paul sa parangal na ibi­nigay sa kanya ng local government ng Siargao at ginawa siyang adopted son ng naturang isla.

BOOM: In-announce na nga sa Appreciation Dinner ng MMFF na ang pelikulang Gandarrapiddo: The Revenger Squad ang topgrosser sa nakaraang MMFF.

Hindi na nila in-announce kung magkano ang kinita pero tama nga yatang naka-540M ito sa buong filmfest.

Sabi naman ng taga-MMFF, bahala na ang producer na maglabas kung magkano ang kinita ng kanilang pelikula. Kaya hindi sila nagbanggit kung magkano ang kinita nito.

Sumunod sa Gandarrapiddo, ang Ang Panday na rinig namin ay mahigit 200M ang kinita nito.  Pumangatlo ang Siargao na talagang nakinabang nang husto pagkatapos nitong humakot ng awards, at pang-apat ang Haunted Forest na sabi nga ng producers, ito raw ang kumita ng malaki dahil malit lang daw ang budget dito ng Regal Multimedia.

Pero ang magandang balita sabi ng taga-MMFF, lahat naman daw ay kumita. Ang nasa panghuli nga ay halos 30M daw kaya masaya ang lahat.

Umabot ng mahigit isang bilyong piso o halos P1.5  bilyon daw ang  kinita ng buong filmfest.

Inaasahan ang mas malakas at mainstream ang ilalahok sa susunod na MMFF dahil napatunayang pambata at commercial ang talagang gusto ng manonood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with