^

PSN Showbiz

Ryzza Mae kilig na kilig kay Ruru!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Ryzza Mae kilig na kilig kay Ruru!

Ryzza Mae at Ruru

PIK: Bago matapos ang buwang ito ay ang da­ming kailangang patunayan ni Julie Anne San Jose, kaya sobrang excited siya.

Excited siya sa 3 Stars and 1 Heart concert niya sa Waterfront Cebu dahil makakasama niya sina Regine Velasquez at Christian Bautista.

Kahit si Regine ay nai-excite rin dahil nakakasama lang daw niya sa mga show ng GMA 7 sina Christian at Julie Anne at ngayon lamang sila magsasama sa isang malaking concert sa Cebu, kasabay ng Sinulog Festival.

“That’s an exciting project for me, it’s different. It’s going to be a tour eh,” pakli ni Regine.

Pagkatapos ng sa Cebu, iri-release na sa January 22 ang single ni Julie Anne na Nothing Left under Universal Records. “I’m stoked,” sabi ng Asia’s Pop Princess.

Kasunod din nito ang solo concert niyang #Julie na gaganapin sa Music Museum sa January 27.

PAK: Si Ruru Madrid nga ba ang crush ni Ryza Mae Dizon? Marami raw kasing nakapansin sa matalinong bagets na hindi napipigilang kiligin kapag guest si Ruru sa Eat Bulaga.

Thirteen years old pa lang yata si Ryza Mae, pero kapansin-pansin na ang pagbabago nito dahil feeling na niya ay dalaga na siya. Iba na nga itong kumilos, at napansin din namin ang katalinuhan ng bagets kapag nai-interview.

Mas naka-focus na nga raw ngayon sa pag-aaral si Ryza Mae na gusto palang maging magaling na chef paglaki. Kaya kapag nasa bahay daw ito, laging tumutulong sa Mommy  niya sa pagluluto.

BOOM: Hindi na hinangad ni Diego Loyzaga na maging okay ang Mama at Papa niya. Sabi ni Diego nang makatsikahan namin sa premiere night ng Mama’s Girl na nag-showing na kahapon, kung hindi raw naiwan sa Australia si Teresa Loyzaga, baka naging okay pa sila ni Cesar Montano at kahit papaano ay  mabubuo ang pamilya nila kahit may kanya-kanya na silang
buhay.

Ani Diego, “Sana hindi naiwan si Mama sa Australia. Pero wala kasing choice nung time na ‘yun.

“Kung iyon ang nangyari, mas may panahon pa sa amin, sa family ko, sa Dad ko na magkasama kaming tatlo.

“Pero hindi ko na hinihingi na magsama kami.”

Obvious na mas close si Diego sa kanyang ina, at aminado siyang Mama’s boy siya. Napaka-understanding daw kasi ng kanyang ina.

“She is the best Mom. She is very understanding.

“Siguro ‘yun ang isang kailangang foundation sa isang relasyon sa magulang at sa kanyang mga anak,” puri ni Diego kay Teresa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with